NANDITO kami ngayun sa wedding day ni Kuya Eric at Ate Eve. Grabe ang ganda ni Ate Eve. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit bigla lang na lang natutulala si Kuya Eric sa kanya. Kailangan pang tapikin para lang matauhan. Pati na rin ng tanggalin nya yung belo ni Ate Eve para i kiss nya ay talagang natulala sya dahil nakita nya na ng maliwanag ang kagandahan ng bride nya. Nakakakilig.
Dumiretso kami sa reception para sa celebration. Kasama ko sa table namin sila Kuya Tristan, pati si Kuya Grey at Ate Leslie. Kaya naman kinikilig ako dahil nakatabi ko pa ang crush ko. Kaya lang nagtataka ako sa inaasal ni Kuya Tristan dahil kanina pa nagdadabog. Paanong di ko malalaman e nakaupo sya sa tapat ko. Napagitnaan ako nila Kuya Eugene at Kuya Grey. Hindi ko alam kung ano din ang nakain ni Kuya Eugene at bakit ba dikit ng dikit sakin, wala namang ginawa kundi inisin ako. Minsan may ibubulong pa sakin at kakatawa dahil tungkol kay Kuya Tristan yun.
"Torpe yan!" Dagdag na bulong nya pa sakin kaya naman tatawa ako. Hindi ko kasi maisip na ang isang Tristan dela vega ay torpe. Makikita ko naman si Kuya Tristan na inis na inis.
"Babaero pero torpe!" Dagdag na bulong pa nya ulit. Nang mapansin nyang napipikon na si Kuya Tristan ay huminto na sya sa pagbulong sakin.
"How old are you, Diane?" Napalingon naman ako kay Kuya Grey ng tanungin nya ako. Nakangiti pa syang nakatingin sakin. Kaya naman parang namula yata ang pisngi ko.
"Seventeen po Kuya Grey!" Nahihiyang sagot ko sa kanya. Kinikilig naman ako.
"Dalaga ka na!" Natatawang sagot nya.
"Isang taon na lang pala ang hihintayin mo dude!" Panunuya ni Kuya Eugene kay Kuya Tristan. Nakita ko namang tiningnan nya ng matalim si Kuya Eugene na tinawanan lang nito. Ano kayang pinagsasasabi nito?
Ang sweet talaga ni Kuya Eric sa bride nya. Dahil lagi nya itong tinititigan at nakaalalay pati sa paghati ng wedding cake nila. Hindi talaga sya humihiwalay at laging nakahawak sa bewang ni Ate Eve. Akala mo naman mawawala yung bride nya.
Nagbigay na rin ng mensahe ang mga parents ni Kuya Eric at ang mga kapatid ni Ate Eve. Grabe ang mga kuya nya ang gwapo lahat. Kaya naman pala napakaganda ni Ate Eve. Parang convention ng mga lalaking gwapo at hot ang wedding nila.
"Naalala ko pa nung unang beses na nagkwento si Eric samin ni Eugene!" Si Kuya Tristan yun. Sya na ang nagspeach. "Tungkol yun sa babaeng nakaduet nyang kumanta sa bench sa mini garden ng university. In love na in love ang gago yan sa babaeng yun. And don't worry Eve, that's you!..." Nagulat pa si Ate Eve sa kwento ni Kuya Tristan. Nakita ko namang namumula na si Kuya Eric dahil siguro sa binubunyag ni Kuya Tristan. "Hinanting ka pa nyan at ang nakakainis pa, isinama ako nyan sa audition sa music club. Wala akong nagawa kahit pakiramdam ko nagdudugo na ang mga tenga ko sa mga nag audition dun!"
Nagtawanan ang lahat ng bisita sa kwento ni Kuya Tristan. Nakakakilig pala ang love story nila. Kaya naman pala mahal na mahal ni Kuya Eric si Ate Eve.
"Lahat ng single dyan sa gitna na, ihahagis na bouquet!"
Nag puntahan naman ang lahat ng mga babaeng single sa gitna at syempre hindi ako sumama. Seventeen lang ako kaya ayokong makisali sa kanila. Nanatili lang ako sa upuan ko na napapagitnaan ni Kuya Grey at Kuya Eugene.
Tatayo sana ako para mag banyo pero nagulat ako ng saktong pagtayo ko ay sa harap ko bumagsak ang bulaklak.
"Whoa!... Ikaw ang next bride?" Pang aasar sakin ni Kuya Eugene. Kaya naman napasimangot ako ng hatakin ako ng host habang pinapahawak sakin ang bouquet. Pinatayo ako sa harap sa tabi ni Ate Eve. Nakita ko pang nginitian ako ni Ate Eve.
Nagulat ako ng tanggalin ni Kuya Eric ang garter ni Ate Eve sa hita nya. Ang sweet dahil nakita ko pang kinindatan nya si Ate Eve. Iyon naman daw ang ihahagis at kung sino ang makakasalo ay sya ang magsususot nun sakin. Kaya naman naeexcite ako. Sana gwapo ang makasalo.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...