TRISTAN
Hindi ko na talaga alam kung bakit ang baby ko ang dapat na ipambayad sa utang. Ano bang pumasok kasi sa utak ni Ninong at nagkautang sya ng malaki tapos si Diane ang gusto nyang pambayad.
Nandito na kami sa mansion ni Eric at kasalukuyan kaming nasa sala. Hinihintay namin syang lumabas dahil kasalukuyan nyang inasikaso si Eve.
Nagkaroon kasi ito ng depression dahil nakunan ito sa kambal sana nilang anak ni Eric at maselan ang kalagayan nito kaya naman laging nakabantay sa kanya si Eric.
Alam kong may pinag dadaanan sila ngayun pero gusto kong humingi pa rin ng ipinion dahil sa ngayun ay magulo na rin talaga ang isip ko.
Napalingon kami kay Eric ng marinig namin syang bumababa sa hagdanan nila.
"Ano na ang nagyari?" Seryosong tanong nya sakin.
"Si Eve?" Tanong ko sa kanya dahil kahit ako ay nag aalala sa kalagayan nito. Gusto ko munang alamin ang kalagayan nito.
"Natutulog na sya sa kwarto ng iwan ko!" Malungkot na sagot nya sakin.
"May improvement na ba?" Tanong ko sa kanya dahil napansin ko ring nagbago na ang itsura ni Eric. Halatang hindi rin nakakatulog ng maayus ang kaibigan ko. Pero iling lang ang sagot nya sa tanong ko.
"Tulala pa rin!" Malungkot na sagot nya sakin kaya naman napatango na lang ako. "Si bunso?... Musta na?"
"Nasa penthouse ko na sya!" Seryosong sagot ko.
"Mabuti dahil mas safe sya dun!" Seryoso din na sabi nya sakin.
"Si Diane ang gustong kabayaran ayaw ng pera!" Napakunot naman ang noo ni Eric sa sinabi ko.
"Masyado na kasing mayaman ang matandang yun kaya naman ayaw na ng pera!" Dagdag pa ni Eugene.
"Manyak kamo kaya si Diane ang gusto!" Inis na sagot ni Grey.
"Hindi pwedeng ikasal si Diane sa manyak na yun dahil ayun sa nakalap kong impormasyon ay lahat ng babaeng inasawa ng manyak na yun ay kung hindi nabaliw ay nagpapakamatay!" Paliwanag ni Eric samin kaya naman lalo akong natakot para sa baby ko. Nanlamig ang buong katawan ko dahil dun.
"Anong naiisip mong gawin Tristan?" Tanong sakin ni Grey. Kahit inis ako sa lalaking ito dahil crush sya ni Diane ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nandito sya para suportahan kami.
"Wala na akong ibang maisip na ibang paraan kundi ang pakasalan si Diane!" Yun na lang ang naiisip ko dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya kung sakaling mapunta sya sa matandang yun. Nakita ko namang nag ngisian ang tatlo habang nakatingin sakin. "What?... Do you have any ideas?"
"Suportahan ka namin sa kasal na yan!" Nakangising sagot sakin ni Eric.
"Pahihintuin ko muna sya sa pag aaral nya para masiguro akong safe sya?" Paliwanag ko pa. "Eric ikaw na ang bahala dun... Kailangang itago ko muna sya dahil hindi kami sigurado ni Ninang kung anong gagawin ni Mr. Garman kapag nalaman nyang nakita na natin si Diane!"
"Okay!... Ako na ang bahala!" Sagot sakin ni Eric.
"Ilang buwan pa ang hihintayin mo para pwede mo na syang pakasalan?" Tanong pa ni Grey sakin.
"Ilang buwan na lang din!" Sagot ni Eric.
"Kung magkikita sila tita Dianna at Diane dapat sa ibang lugar hindi sa penthouse mismo!" Dagdag ni Eugene na tinanguan ko naman. "Hirap ng matunugan!"
"Bakit hindi mo isama sa opisina mo si Diane para dun na lang sila magkita ng Mama nya?" Suggestion ni Grey. "Mas safe pa yun kesa naman magkita pa ang mag ina sa ibang lugar lalo na kapag may ibang tao, di tulad ng opisina mo makocontrol mo ang mga taong nakapaligid sa inyo."
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomansaPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...
