CHAPTER 13:

41 0 0
                                    

KINABUKASAN si Kuya Tristan ang naghatid sakin sa university. Pagkababa ko sa sasakyan nya ay nakita ko si Calix sa harap ng gate. Napalingon ako ng marinig ko ang tunog ng pinto ni Kuya Tristan.

Seryosong tumingin sakin si Kuya Tristan dahil alam kong nakita nya si Calix. Anong gagawin ko?

Kaya naman hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at naiiyak nanaman ako kasi alam kong magagalit nanaman sya dahil nandito si Calix.

"Hatid na kita sa loob?" Nagulat ako sa tanong nya. "Mukhang hindi mo alam kung anong gagawin mo dahil nandyan ang manliligaw mo!"

Hinintay ko syang lumapit pero nagtataka ako kasi hindi sya tumitinag sa pagkakatayo nya sa tabi ng kotse nya.

"Tinatanong kita kung ihahatid kita sa loob?" Nakakunot ang noo nya ng itanong nya ulit sakin yun. Ay! kaya pala hindi sya lumalapit kasi hinihintay nya sagot ko.

"Pwede ba kuya?" Nakangiting sagot ko sa kanya. Nawala na ang takot ko at ang luha ko umurong na din. Magpapahatid ako sa kanya para maiwasan si Calix. Dahil sa totoo lang ayoko naman talaga magpaligaw kung hindi lang dahil kay Quincy. Nakita ko pang nangiti si Kuya Tristan kaya lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Hinatid ako ni Kuya Tristan hanggang sa room ko kaya naman lahat ng estudyante ay pinagtitinginan kami kasi naman ang gwapo ng kasama ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o kinikilig kasi hawak hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok at sya pa ang may dala ng bag ko. Okay lang sa kanya na may hawak na pink na bag? Hala! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kinikilig ba ako o kinakabahan?

Kinakabahan siguro kasi baka magkita sila ulit ni Calix at siguradong pagsasabihan sya ni Kuya Tristan kapag nagkita sila.

"Hindi na kita susunduin, si mang David na ang susundo sayo mamaya." Sabi nya sakin habang ibinababa ang bag ko sa upuan ko. Wala pa yung professor namin.

"Okay po Kuya Tristan!" Nakangiting sagot ko. Nakangiti din sya sakin habang tinitingnan ako. Ginulo nya pa ang buhok ko kaya nainis ako. "Kuya naman e!"

"Be a good girl okay?" Paalala nya sakin kaya tumango na lang ako. Hinalikan nya ako sa noo at umalis na ng room namin.

Pag alis ni Kuya Tristan sa room namin ay biglang nagtilian ang mga kaklase kong babae. Sa sobrang gulat ko oa ay naoahawak ako sa dibdib ko dahil parang nahulog ang puso ko.

"Ang gwapo talaga ni Tristan!" Rinig kong sabi pero hindi ko na lang pinansin. Kunyari na lang hindi ko sila naririnig. Kahit ang totoo ay lihim ko silang pinapakinggan.

"Ang sweet pa!"

"Siguro mas sweet yun sa magiging girlfriend nya?"

"Sigurado yun kung sa kinakapatid nga nya sweet sya e!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nila. Alam nilang kinakapatid ko si Kuya Tristan? Ganito ba talaga kasikat ang mga Kuya ko sa university nato?

"Ang gwapo talaga ng Kuya Tristan mo Diane!" Kinikilig na sabi sakin ni Quincy. At hinahatak hatak pa ang braso ko. Hala! Pati ba naman sya kinikilig sa Kuya Tristan ko?.

"Hoy! Qwincy!" Tawag ko sa kanya na seryoso ang mukha nang maalala ko na napagalitan ako dahil sa kanya. Kaya naman natahimik ito at tinignan ako ng nagtataka."Dahil sa kalokohan mong pagpayag sa panliligaw ni Calix ay napagalitan ako ni Kuya Tristan!" Sumbat ko sa kanya. Natawa naman ang loka lokang to. Hindi nya sineryoso ang sinabi ko.

"Akala ko naman kung ano?" Napakunot lang ang noo ko sa tinuran nya sakin. "Napaka over protective pala ng baby Tristan ko sayo!"

"Hmmm?, Baby Tristan?" Nagulat ako sa tinawag nya kay Kuya Tristan ko. Baby talaga?

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon