"Let's wash you up." Aya ni alexander at akmang bubuhatin ako pero pinigilan ko siya.
"Kaya ko." Sabi ko at tumayo. Medyo mahapdi ang paa ko pero kaya ko pa naman maglakad.
Napatingin ako doon. It's bleeding, at sigurado akong magpepeklat iyon. Napabuntong hininga ako sa naisip.
"Does it looks bad?" Nahihiyang tanong ko. Natatakot ako na baka mahihiya na siyang kasama ako dahil sa sugat ko.
"Yes." Sagot niya. Tumango ako at nagsimula ng maglakad.
Napatili ako ng bigla akong buhatin ni alexander.
"Ibaba mo ako please." Natatarantang sabi ko at luminga linga sa paligid.
"No." He said.
Hinayaan ko nalang siyang buhatin ako at humilig sa balikat niya.
"Pogi mo." I whispered. Seryoso lang ang mukha niya habang deretso ang tingin.
Napatawa ako ng mahina at inilipat ang tingin sa harap, nang matantong pabalik kami sa hotel ay nagulat ako.
"Alexander! Yung-"
"Hush." Pigil niya sa sasabihin ko.
"Yung diving..." Mahinang dugtong ko.
"Babalik tayo?" Nagbabakasaling tanong ko.
Hindi siya sumagot but he seems angry. Ewan ko ba kung bakit, wala naman akong ginawa, ako pa nga yung na disgrasya e.
Pag dating namin sa floor namin ay dinala niya ako sa suite niya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata yon baka paalisin niya pa ako dito sa suite niya.
Inilapag niya ako sa sofa ng marahan at naglakad papuntang kusina ng walang paalam.
Napatingin ako sa sugat ko habang nakanguso.
Napaka tanga ko talaga! Yun lang ang nag-iisang flaw sa perpekto kong binti.
Dumating si alexander na may dalang medicine kit kaya agad naman akong ginabahan. Baka sobrang hapdi at hindi ko kakayanin.
"Ayoko nyan." Sabi ko sakanya at umatras ng konti.
He looked at me seriously and he scooch in.
"M-mahapdi, alexander. Tubig nalang." Pagmamakaawa ko.
"We need to clean this to reduce the risk of infection." Sabi niya.
Umiling ulit ako at umatras pa kahit wala ng maatrasan.
He offered my his hand at me. "You can hold my hand and grip it."
Nung una ay nagdalawang isip pa ako pero tinanggap ko ang kamay niya. He smiled a liitle bit at lumapit saakin.
Dinala niya ang kamay ko sa balikat niya at mas lumapit pa saakin.
"Don't worry, sedeina." He assured. Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya at lumapit sakanya ng konti at mas inoffer ba ang binti ko sakanya.
Bawat paglinis ng sugat niya sa binti ko ay wala man lang akong maramdaman na hapdi at kirot dahil natatabunan iyon ng kilig.
"Tuloy tayo sa diving?" Tanong ko sakanya.
"Hindi."
"Bakit? Hindi naman malubha ang natamo ko ah?"
"I said no, sedeina. I have an emergency meeting and I won't allow you to go diving." He said.
"Ang daya naman, alexander. Ayos lang naman saakin kapag hindi ka sumama, bakit kailangan pa pati ako hindi makatuloy." Maktol ko sakanya.
"Sige na pleaseeee." Pagmamakaawa ko. Tinitigan niya ako ng ilang saglit bago umiling at tumayo para ilagay ang medicine kit sa kusina.
BINABASA MO ANG
Her Indecent Desire (COMPLETED)
RomanceHe's Alexander Davis. The dream man of Sedeina trixie martini. But, he's getting engaged to someone and she's furious about it. Gagawin niya ang lahat para makuha ang lalakeng mahal niya but.. will she succeed? Could she get him or.. her life will...