KABANATA 10

3.3K 77 2
                                    




EARLY morning. Nanay woke me up as I expected.

Nakapagpaalam na ako sakanila at pinayagan naman nila ako. I almost beg nanay to watch for tatay because I know he'll spy on me.

"Ingat ka. Don't forget to visit us, okay?" Nanay said.

Tumango ako at niyakap siya at si tatay. Nasa garden silang dalawa at nagkakape like they usually do.

Si aleina ay tulog pa, mukhang nagpuyat na naman yon.

Tatay offered me a ride but I highly refused! No thanks, tay!

Nasa harap na ako ng gate sa labas ng bahay ni alexander. I keep on pressing the doorbell kasi ang tagal bumukas.

After a minute bumungkad ang bagong ligo na si alexander saakin.

I don't know but I suddenly miss him.

Tumakbo ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Hi!" Bati ko sakanya.

Niyakap niya naman ang bewang ko gamit ang isa niyang braso at hindi nagtagal ng ilang segundo kinalas niya ang pagka yakap ko.

Sungit naman nito.

"Pack your things, we will leave at 7am." Sabi niya at sinulyapan ang wrist watch.

Tumango ako at dumeretso na sa mansion niya.

Wala akong masyadong inimpake dahil wala naman akong nabili na swimwear o kahit sunblock lang. In short wala talaga akong inimpake

Doon nalang siguro.

"Let's go." Aya ko sakanya.

Naghihintay siya saakin sa living room.

Pinasadahan niya ako ng tingin.

I was wearing a summer dress, wala din akong dalang bag.

I only bought myself, my wallet and my cellphone.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Doon nalang ako bibili ng gamit." Sabi ko at nauna ng lumabas.

"Pumunta ka ng mall kahapon?" Tanong ko sakanya ng makapasok kami sa kotse niyang mamahalin.

Tumango siya at pinaandar ang kotse.

"I'm sorry... Biglaan kasi at ahm.. ang alam nila ay nakapunta ako ng los Angeles." Sabi ko sakanya.

Hindi na siya nagsalita at tahimik na nagmamaneho.

To avoid the awkwardness pinaandar ko nalang ang radio.

"Maybe it's better this way
We'd hurt each other with the things we'd want to say." Kanta ng nasa radio.

It's careless whisper.

"We could have been so good together." Sabay ko sa kanta at lumingon kay alexander na seryosong nag mamaneho.

"Stop staring." He said while driving.

"We could make a perfect couple, alexander! Just break up with delancy." Sabi ko sakanya at naghalukipkip.

Hindi niya ako sinagot.

Talaga bang sobrang tipid ng bawat salita niya?

It really took hours before we ended in boracay sobrang nakakapagod ang byahe pero worth it naman! Ganito ba naman ang bubungad sayo!

"Alexander! Wait for me!" I exclaimed when he suddenly left me.

Naglakad siya patungo sa front desk.

Her Indecent Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon