Chapter 3

831 36 9
                                    

Lumingon naman ako sa paligid pero wala naman akong makita na tumawag sa akin.

"Narinig mo ba yon?"tanong ko kay Marco.

"Ang alin?"

"Ah wala" mukhang namali lang akong ng dinig,pero parang pamilyar eh, parang boses ni Gov Matt.Hay ewan.


"Yieehh excited ako bukas mga bakla!"sigaw ni Rody.

"ako din,wait ano kaya sususotin ko"agad na tumayo si Rita para manghalungkat sa mga dala niyang damit"Ito,or Ito"sabi pa niya sabay pakita sa amin sa dalawang red blouse na same lang naman medyo nagkatalo lang sa bulsa. Yung isa nasa left yung isa nasa right.

"Pareho lang naman sis"iritang sabi ni Rody"basta ako kahit anong suotin ko maganda na ko"taas noo pa niyang sabi sabay ikot sa harap namin.

"Ewan ko sayo bakla"pasiring sa sabi ni Rita at naghanap ulit ng damit.

Lumabas muna ako sa may veranda,dahil meron pala ito.Akala ko wala,natakpan lang pala ng pagkalaki laking kurtina hahaha minsan talaga may pagkatanga eh kaya nasasaktan,charrr.

Nakaupo lang ako sa may sofa dito habang umiinom nang chocolate milk na binili nila kanina.

Bigla namang tumunog ang phone ko at nagvideo call pala ang mga baliw kong kaibigan,kaya naman sumali ako.

"Oy mga sis musta?"-Clarence

"Ayos lang"-Dan

"Good"-Karen

"How about you,Sophia?"-Clarence

"Ayos lang"-ako

"balita ko may nanliligaw sayo?"-Clarence

"Ha?sinong nagsabi?tsaka fake news yon no"-Ako

"ayy sayang,sinend pamo ni rody yung pic,at gagi,ang gwapo!!!"-clarence

"Yan nanaman"-Karen

"Nakakarindi"-Dan

"Tss selos kalang mabuti pa doon ka nga sa Princess nayon!"-Clarence

"What!Love hindi nga totoo yon"-Danilo

"Whatever!"-Clarence

"oyy tama na yan baka mag away pa"-ako

"Kamusta kaba dyan, nakita mo na ba si Sandro?"-Clarence

"Oo nga,nagpost siya kahapon na nandyan siya sa Laoag eh"-Karen

"Muling ibalik naba hahaha"-Dan

"Comeback is real!"-Clarence

"Sira,anong comeback eh may girlfriend nga tsaka ako kaibigan niyo bat siya tinatanong niyo,tsaka wala na akong pakealam"-ako

"Asus walang pakealam daw pero hanggang ngayon anniversary nila yung password sa phone. Tsaka malay mo friend niya lang yon diba?"-Clarence

"Tss ewan ko sa inyo"-ako

"Alam mo sis,payong kaibigan lang ah"-clarence

"Di payong matino"-Dan

"Tang*na mo ah!!"-Clarence

"Oyy!"-karen

"Ooppss sorry"-Clarence

Natawa naman ako sa inaasal nila hahaha.

"So eto nga seryoso na,kung mahal mo pa siya-"Clarence

Pinutol ko ang sasabihin ni clarence dahil alam ko na ang kasunod nito.

"Balikan mo"-ako
At nakita ko na tumango pa sila.

"Pero di naman porket mahal mopa babalikan mona,lalo na kung siya na mismo ang unang bumitaw.Meron na ngang bago,diba? Tsaka masaya nako sa buhay ko,No lovelife,No problems diba hahahha"natatawang sabi ko"Osya matutulog nako,goodnight"agad ko ng binaba ang tawag.

Bakit ba laging yun ang sinasabi nila pag mahal mo balikan mo eh paano kung siya naman ang nang-iwan diba.

Tapos babalik na may bago ng minamahal.Nangangako tapos di naman tutuparin.Nakakagag*.

Kung yung iba kaya pa nilang gawin yon pwes ako hindi.Once na iniwan mo na ako wala ka ng babalikan pa.

Kaya mo nga ako iniwan kasi ayaw mo na,diba? so bakit ipagpipilitan ko pa ang sarili ko.Nakakatanga hahaha.

"istu na pia,likwan naka,enaka buri,istu na"(Tama na pia,iniwan ka niya,dika niya gusto,tama na)

"Bakit ba lahat nalang iniiwan ako hahahah,kaiwan iwan ba ko"Naiiyak na usal ko at pilit na pinapakalma ang sarili para di nila mapansin na umiiyak ako,na nanghihina ako.

Tumunog naman ang cellphone ko at kahit medyo malabo ang nakikita ko dahil sa mga luha ay binasa ko ito.

May mga taong iiwanan ka pero huwag mo ring kakalimutan na may mga taong handa kang damayan.

You are precious,you deserved to be loved and to be treasured. Always remember that I'm always hear for you. 
~Marco

Marco, bakit ba ang bait mo sakin?



KINABUKASAN

"Ano ba yan sis mugto ang mata mo!What happened ba kahapon?buti nalang at nakita ka ni Marco at nasabi niya sa amin nakatulog ka sa veranda"asik ni Rita habang patuloy parin ako sa pagaayos sa mga gamit na dadalhin ko.

"Wala to,sa kanonood ko lang ng kdrama"pagsisinungaling ko.

"I don't believe you,alam kong may pinanghuhugutan ka pero dahil sa nirerespeto kita, kaya hihintayin ko na sabihin mo sa akin yan pag handa kana"sabi nito kaya naman ngumiti na ako.

Dumiretcho na kami sa lobby at nakita ko naman si Marco na papalapit sa akin.

"are you okay?"nag-aalalang tanong niya.

"Yeah,ayos lang ako,thank you nga pala dahil sinabi mo sa kanila, kung hindi pinagpepyestahan nako ng mga lamok"natatawang sambit ko.

"Wala yon"sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba!tagal kong inayos eh"inis na sabi ko at ang loko tumatawa pa,may nakakatawa ba Marco ah, gigil mo ang twenty seven na bangs ko.tss.

"Sorry,ang cute mo kasi"seryosong sabi niya na deretchong naka tingin sa akin,medyo nailang naman ako kaya tumingin nalang ako sa kabilang banda.At sakto naman na inaasar ako ng dalawa.Mga sira talaga.

Loving YouWhere stories live. Discover now