Halos mag tatatlong taon nadin kami ni Sandro. Graduate na ako ngayon sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics at kapapasa ko lang din sa board exam na naganap last last month.Kasalukuyan akong math teacher dito sa school kung saan ako nag graduate ng high school. Pablo National High School.
Si Sandro naman ay nakapaggraduate narin pero nag-aaral parin sa London para sa undergraduate niya. Ang alam ko ay gagaraduate nadin siya next month kaya naman sigurado ay makakauwi siya dito sa Pinas.
Naging maayos naman ang relasyon namin kahit na long distance ito. May mga pagkakataon na nag-aaway pero nagkakabati din.
Katulad nalang ng minsan siyang tumawag sa akin pero dahil magkaiba ng time natin doon ay nakatulog na ako at saktong si Rody ang nakasagot dahil nakitulog siya sa amin non dahil nga tinutulungan ko siya sa thesis niya.
At dahil sa sobrang pagkaseloso nitong si Sandro ayun halos isang linggo din kaming di nakapag-usap kung di lang siya kinausap ni Tita Liza. Pero kahit na ganon ay lagi daw siyang nagchachat kay Simon para tanungin kung kumusta ako.
Dami pang arte diba di rin naman ako matitiis hahaha.
Then meron ding time na may nagtag sa kanya na girl. Picture nila sa isang club na nakayakap yung babae sa kanya.
Syempre bilang babae nakaramdam din ako ng selos kaya nag-away kami pero yun naayos din naman. Syempre di ko rin matiis. Mahal na mahal ko eh.
Osya tama na ang chika at baka malate pako sa school.
Pagkadating ko sa school ay may mga bumabating estudyante.
Actually Valentine's day ngayon kaya naman halos lahat ng students ay nasa labas ng quadrangle.
May mga booths,like food stalls,wedding booth,jail booth,message booth at kung ano-ano pa.
Di rin mawawala ang nga magkasintahan na nagbibigayan ng mga bulaklak at chocolates.
May mga nagproprose pa!
Aba'y sana all nalang talaga hahaha.
Yung mahal ko kasi nasa kabilang dako ng mundo.
O tama na ang senti! Dapat happy.
"Valentine's na Valentines bat pang araw ng mga patay ang mukha"biro ko kay Rody pagkakita konsa kanya sa loob ng faculty.
"Tss wala ako sa mood ngayon Pia"asik nito.
"Bakit naman?"usal ko.
"dahil madaming couples ang naglipana dito!"
"Natural,valentine's kaya" sagot ko.
"So!"mataray na sagot nito"Required ba na dapat maglambingan sa harap ko!"
"Edi pumikit ka!"asik ko din.
"Palibhasa may Sandro ka eh"usal nito.
"Di pa nga kami nakakapag-usap eh"malungkot na usal ko.
"Ayyy baka may iba na yan"asar nito.
"sira!"sabi ko at binato sa kanya yung chocolate na dala ko,gift ko sa kanya.
Tatawa tawa naman niya itong sinalo.
Bakit kaya di pa ko chinachat non,dati naman before ako pumasok nagchachat pa yon kahit na anong oras pa don.
Buong umaga lang kaming nasa faculty at hinayaan lang namin ang mga bata na mag-enjoy. Dahil mamaya ay may program kami.
Hapon na at nandito na lahat ng mga estudyante sa covered court.Pati narin ang mga kapwa ko teachers ay nandito narin.