Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon ni Sandro dito sa park malapit sa simbahan.
Ilang oras nalang din kasi ay babalik na siya sa London kaya naman talagang sinusulit na namin.
"Love can you attend my graduation day?"he suddenly asked.
"Tingnan ko,alam mo naman na ang hirap magleave sa school eh"sagot ko na ikinalungkot niya kaya naman tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Hey,huwag ka ng malungkot.......kahit naman wala ako don proud na proud parin ako sayo,Okay..........di ako mangangako but i'll try"
Nasa guest room na ako ngayon at naghahanda ng matulog ng biglang may kumatok sa pinto kaya naman binuksan ko ito, bumungad sa akin ang mukha ni Sandro.
"Why?"tanong ko.
"Can I ask a favor?"
"Ano yon?"
"C-can I s-sleep wi-with y-you?"nauutal at kinakabahan na tanong niya.
"H-ha!?"
"Sorry,don't mind it,sleep kana"nahihiyang turan niya at akmang aalis na sana ng pigilan ko siya.
"O-okay"sagot ko, nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.
Sa tagal naming magkarelasyon,ni hindi pa kami nagkasamang matulog sa iisang kama.
Dahil nga wala naman siya dito at masyado pa kaming bata. Pero sa tingin ko ayos naman na ngayon. Tsaka matutulog lang naman.
Pumasok naman siya sa loob at agad na sinara ang pinto. Hinila naman niya ako pahiga sa kama at agad niyakap.
"Anong meron, bat naisipan mong matulog katabi ko"tanong ko.
"I just wanted to cuddle with you"malambing na sagot niya.
"Okay po,tulog na tayo.......Goodnight love"
"Goodnight love,I love you"
Natulog kami na may ngiti sa aming mga mukha.
Nagisimg naman ako sa ingay ng alarm clock ko.
6 am na pala,kaya naman agad ko tong pinatay at baka magising pa si Sandro na ngayon ay mahimbing na mahimbing pa ang tulog.
Nakayakap parin siya sa aking bewang.
Pinagmasdan ko namang mabuti ang mukha niya. napakagwapo.
I traced every single inch of his face.From his long eyelashes down to his lips.I leaned closer to kiss him.He suddenly respond to my kisses.At first it was gentle until he deepen our kissed.And now he's on top of me.
Para naman akong nahipnotismo sa halik niya.Kung hindi lang kami mauubusan ng hininga ay baka dina kami tumigil hahaha.
"Akala ko tulog kapa?"tanong ko.
"How can I sleep if there's this beautiful lady tracing my face"
"Sorry"nahihiyang usal ko"Bumalik kana ulit sa pagtulog at magluluto muna ako ng breakfast natin"sabi ko.
"It's too early, matulog pa tayo"
"I can't, ikaw nalang tas gisingin nalang kita mamaya"pilit ko siyang pipaaalis sa taas ko pero mas nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Kiss me first"
"But we already did" he suddenly lean to me.
"But...........I want more"bulong niya at sinungaban ulit ako ng halik.
"Good morning Pia"bati ni Simon at Vinny at umupo na sa dining table.
"Good morning......o kain na kayo"alok ko.
"Thanks, by the way where's Kuya?"tanong ni Simon habang kumukuha ng kanin.
"Good morning guys!"masiglang bati ni Sandro
"Morning kuya"Vinny
Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Morning"
"Morning, kain na"inumpisahan ko ng nilagyan ng pagkain ang plate niya.
"Sweet naman ni Bayaw hahahah"biro ni Vinny kaya naman natawa kami.
Nakauwi na ako ngayon sa Pampanga. After kasi naming hinatid si Sandro sa airport ay hinatid nadin ako ng dalawa,at tutuloy naman sila sa Manila para dalawin sina Tita Liza at Tito Bong.
Gabi na at kasalukuyan naman akong nagchecheck sa mga activities na pinasa ng mga estudyante ko ng makarinig ako ng nagsisigawan sa labas.
Pagkababa ko ay nakita ko na nagsisigawan sina Mama at Papa.
"Pa anong nangyayari?"tanong ko.
"Huwag ka ng makialam dito Pia at pumasok kana sa kwarto mo"seryosong sabi nito.
"Pero-"
"Isa!"sigaw niya kaya naman wala na akong nagawa kundi sundin ito nakita ko naman si mama na nagtungo sa kusina.
Mabuti nalang at wala ang dalawa kong kapatid dahil hindi ko gusto na makita nila iyon.
Nagkakaalitan naman talaga minsan sina mama at papa pero ngayon ay napapadalas ito. Di ko naman maitanong sa kanila dahil pinangungunahan ako ng hiya.
Dalawang linggo narin ang lumipas at ilang araw nalang ay graduation na ni Sandro.
Gusto ko man na sumama kina Tita Liza sa London pero di napagbigyan ang request ko na magleave ng ilang araw. Naiintindihan naman ito ni Sandro kaya para makabawi ay nagplan ako ng surprise sa araw na umuwi siya.