"Are you okay Iha, ang putla mo"nag-aalalang tanong ni Tita na agad akong nilapitan at hinawakan ang noo ko.
"Di ka naman nilalagnat"
"Ayos lang po ako Tita baka napagod lang po"pagdadahilan ko.
"You should rest muna, Sandro take her into your room para makapagpahinga siya"usal niya at tumingin sa gawi ni Sandro na ngayon ay nakatingin nadin sa akin. Binawi ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Huwag na tita,dito nalang po ako sa sala"pagtanggi ko pero bago pa man sumang-ayon si Tita ay hinila na ako ni Sandro.
Tss makahila naman to,Hello may sakit ako oh!
Narinig ko naman na nang-aasar ang dalawa niyang kapatid na huwag daw kaming mag lock or magsara ng pinto.Mga sira ulo talaga.
Pero imbis na pansinin niya ito ay tuloy tuloy lang itong maglakad habang hila hila ako at dahil nga sa ang bilis niyang maglakad ay di ko napansin ang cabinet sa gilid at natamaan ang paa ko.
"Aray!"daing ko at napahawak sa paa kong natamaan.Dahil sa pwersa ay nahila ko ito kaya agad siyang napatingin sa akin.
"What happened?"bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Yung paa ko"mangiyak ngiyak na usal ko na tumingin sa kanya.
Bigla naman niya akong binuhat kaya sa sobrang gulat ay napakapit ako sa leeg nito.
Buhat buhat niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto niya ata ito.
"Open the door"utos niya dahil nga hindi libre ang mga kamay nito. Agad ko naman itong binuksan at pumasok na kami. Iniupo niya ako sa kama niya.
Kaya naman agad ko ding inalis ang pagkakapulupot ng kamay ko sa leeg nito.
Tinanggal niya ang sandals na suot ko at chineck ang kaliwang paa ko na natamaan.
Pulang pula ito,Panigurado mangingitim maya maya. Hayyyy
Napabuntong hininga naman siya.
"Just wait me here, kukuha lang ako ng ice"usal niya at lumabas ng kwarto.
Naiwan naman ako sa loob at pinagmasdan ang kwarto niya.
Simple lang ito. Kulay white ang pintura at may mga shelves sa gilid kung saan naka lagay ang mga libro.At meron ding lagayan para sa mga pictures niya nung bata pa siya, family pictures and even yung group photo nila sa polo club na sinalihan niya.
Nadako naman ang paningin ko sa side table niya na kung saan nakapatong ang isang letrato
Kinuha ko ito at pinakatitigan.
Wait? Ako to ah!
Eto yung suot ko nung pumunta silang tatlong magkakapatid sa resort non!
Nakatalikod ako sa kanya habang nakaharap ako sa dagat. But I know it was me. Katawan ko kaya to!
"Mom asked me if you want to-"naputol ang sasabihin niya ng makitang hawak hawak ko ang litrato ko.
Namumula naman itong lumapit sa akin.
"A-Ah t-that photo, I t-took it because-"
"Ayos lang"pagpuputol ko sasasabihin niya at ibinalik ito sa side table.
Dahan dahan naman niyang dinadampi ang ice pack sa namamaga kong paa.
Nakayuko ito kaya naman malaya kong pinagmasdan ang mukha niya.
Napakagwapo talaga.
Halatang di mapapasa akin. Char
Tahimik lang ito at hindi ko gusto ang katahimikang namamayani sa aming dalawa kaya naman nagsalita na ako.
"Galit ka ba sakin?"tanong ko na nagpa-angat ng tingin nito sa akin.
"What?"
"Simula kasi nung umalis tayo don sa cake shop di mo na ko kinakausap, kahit tingnan man lang hindi"paliwanag ko.
Napabuntong hininga naman ito bago sumagot at itinigil ang pagdampi sa paa ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa hita ko.
"I'm not mad at you, it's just that.......huwag na nating pag-usapan"pag-iiwas niya at tinuloy Ng ginagawa nito.
"Are you jealous?"di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tanungin siya ng ganon.
Mahaba habang katahimikan din ang namayani, siguro mga ten seconds bago siya sumagot.
"What if I said Yes, what will you do?"seryosong tanong niya na ngayon ay deretsong nakatingin sa mga mata ko.
I don't know kung anong espirito nanaman ang sumanib sa akin at bigla ko nalang siyang hinalikan.
At nang mahimasmasan sa ginawa ko ay agad akong dumistansya sa kanya at akma na sanang tatayo ng bigla niya hawakan ang palapulsuhan ko at sinungaban ng halik.
OH MY GOSHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!
"kung sa ganitong paraan pala ako makakatanggap ng halik sayo"usal niya at tiningnan ako ng deretso
"might as well I'll be jealous everyday"he smirked and kiss me again.
