KinabukasanMaaga akong nagising para mag-ayos. Actually di ako makatulog,siguro dahil sa nerbyos at excitement na nararamdaman ko.
First time ko lang kasing maranasan na may mag-ayang magdate sa akin kaya naman talagang kinakabahan ako.
Nagsuot lang ako ng tshirt at pants at pinaresan ng rubber shoes. Nilugay ko lang din ang buhok ko dahil di naman gaanong mainit.
"Yan ing sulud mo?"(Yan ang susuotin mo?)tanong ng kapatid ko.
"Bakit?"
"Huwag yan,dapat presentable ka sa first date niyo"sabi nito at duneretcho sa maleta niya para manghalungkat ng damit."Eto try mo to"
Inabot naman niya sa akin ang isang oversized white shirt na may design na butterflies at black square pants.
Pinatuck in niya naman ito para maayos tingnan.Pinagpalit niya ko ng rubber shoes into white shoes para mas bagay daw. And viola mukha na kong tao,char hahaha.
"Ayan, edi mas okay"puri pa nito.
Sumigaw naman si Ate Alex sa baba.
"Pia nandito na ang kadate mo"mahihimigan ang pang-aasar nito kaya naman namula ako.
"wala paman namumula kana ate,paano pa kaya pag hinalikan ka, baka mahimatay kana hahaha"biro nito.
Kung alam mo lang hahahaha.
Diko nalang ito pinansin at nilagay na sa sling bag na dala ko yung mga gamit na kakailanganin ko at ng macheck ko na ang sarili ko sa salamin ay bumaba na ako.
Naabutan ko naman siyang nakikipagkwentuhan kay lola.
"O andito ka na pala apo"sabi ni lola at napatingin naman siya sa akin.
"Ah opo"sagot ko"Hi"bati ko sa kanya.
"Ang ganda mo"walang atubiling sabi niya. At sa harap pa nina lola at ng mga pinsan ko.Nakakahiya naman to.
"Kuya hinay hinay lang sa pagpapakilig ah baka mahinatay nayan"-biro ni Joyce kaya naman nagtawanan sila.
"Tama na yan,namumula na ang apo ko"suway ni lola pero pati siya nakisama din."Ang mabuti pa ay lumarga na kayo at ng maenjoy niyo itong araw"
"sige po la,alis na kami"paalam ko.
"Alis na po kami"paalam naman ni Sandro.
"Pasalubong ate"pahabol ng bunso kong kapatid.
Nakasakay kami ngayon sa kotse niya,wala siyang kasamang driver pero may mga nakasunod na bodyguard.
"Saan pala tayo pupunta?"tanong ko.
"Secret"nakangising tugon niya.
May pasecret secret pang nalalaman hahaha.
Una naming pinuntahan is yung sunflower garden dito.
Nagpicture picture lang kami and kumain sa mga desserts na tinda doon.
Pumunta din kami sa isang resto para kumain ng lunch.
Next stop namin ay ang Malacañang of the North.
"Welcome to the Malacañang of the North!"pagbati niya sa akin pagpasok namin sa loob.
Namangha naman ako sa buong lugar.Para itong makalumang palasyo.
May mga nakasabit ding mga letrato na kuha pa noong panahon ng pamumuno ng pamilya nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/294376092-288-k618066.jpg)