Part 2- Chapter 55

269 20 6
                                    


"Sure kabang di ka magpapahatid bukas?"tanong ni Karen.

"Oo,kaya ko namang magcommute"sagot ko.

Uuwi kasi ako bukas dahil pinapauwi ako ni Kuya.

Maybe about nanaman sa treatment na sinasabi niya.

Si Mama naiintindihan na niya yung desisyon ko pero si Papa at Kuya hindi.

"Maam nandito po si Sir Sandro"saad nung isang staff na lumapit sa amin.

Tiningnan naman ako ni Karen.

"May lakad ba kayo ngayon?"tanong niya.

"Wala"sagot ko na nagtataka rin.Wala naman kasi siyang nabanggit sa akin.

Baka may iaabot lang siguro.

Tumayo na ako at pumunta sa may parking area. Nakita ko naman na papalapit ito sa akin.

Shocks!ang gwapo niya!

Parang may mga petals na nahuhulog habang naglalakad ito.

Simpleng white longsleeves at maroon pants lang ang suot niya pero ang lakas ng dating.

"Hey,ayos ka lang?"nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi.

Puno ng pag-aalala ang mata niya ng tingnan ko ito.

"A-Ayos l-lang ako"nauutal na usal ko at tumingin sa baba.

"For you"sabi niya at ibinigay ang isang bungkos ng sunflower sa akin.

"Thank you"nahihiyang usal ko.

Halos ilang araw narin siyang nagpapadala ng mga iba't ibang bulaklak simula ng payagan ko siyang manligaw sa akin.

Nangamoy bulaklak na nga yung kwarto ko eh hahaha.

At kahit na araw araw kaming magkausap ay  nahihiya parin ako huhuhuhu.

Ikaw ba namang ligawan ka ng ultimate crush mo diba,tingnan ko nalang kung di ka mangisay hahaha. char

"Excuse me naman daw sabi ng mga langgam oh"asar ni Karen kaya naman napatingin kami sa likod ko at nakita namin siyang nakangising nakatingin sa amin.

"Tss palibhasa wala si Steven"balik na asar ko.

"Ewan ko ba sa lalaking yon!Laging umaalis!"asik niya"O ano palang sadya mo dito Sandro?"

Oo nga pala.Kaya naman tumingin ako kay Sandro.

"Ahm actually Mom wants to see Pia"usal niya at tumingin sa akin.

Ha?

"Ngayon na?"gulat na tanong ko.

"yeah,that's why sinusundo kita"

"Ayy pak meet the in-laws na ba?"asar ulit nito.

"Maybe"gatong naman ni Sandro.

"Naku naku!,maichika nga yan kay Kuya Daryl at ng malaman niya na ang little sister niya ay nagkakalove life na"asar nito.

Nakakahiya naman to huhuhuhu. San ba pwedeng magtapon ng pinsan at ng maitapon ko na to......







Kanina pa ako naghahalungkat ng maisusuot pero wala akong mahanap!

"Hala,anyare sis!"komento ni Karen habang isa isang pinagpupulot ang mga damit na nahulog sa sahig.

"Wala akong mahanap na damit eh"sagot ko.

Loving YouWhere stories live. Discover now