Chapter 19

534 23 1
                                    


Maagang umalis si Sandro dahil nga may aasikasuhin pa daw siya kaya naman nandito lang ako ngayon dito sa sala nila, nagbabasa basa.

Bigla namang tumawag si Rody kaya sinagot ko ito.

"Bakla!asan ka!"nailayo ko naman sa tenga ko itong phone dahil sa lakas ng sigaw nito.

"Nasa Ilocos, bakit ba!"asik ko.

"Wala lang"sagot nito.Tss kala ko naman kung ano na"Yayayain sana kitang mamasyal kaso pagdating ko dito sa bahay niyo waley ka pala"maarteng turan nito.

"Yayain mo nalang sina Karen"sabi ko.

"Eh ano pa nga ba"kahit di ko siya nakikita ay alam kong nakataas ang kilay nito ngayon"Osya ingat diyan ah and enjoy. Pasalubong huwag kalimutan"pahabol pa nito.

"Okay"sabi ko at agad na binaba ito.

"Pia,kain ka muna nitong pinakbet pizza habang hinihintay mo si Sandro"alok ni Manang.

"Sige po,thank you po"



Habang kumakain ay bigla namang dumating sina Simon at Vinny.

"Oh you're here"sabi ni Simon.

"Yup,gusto daw magdate ng kuya mo eh"sabi ko.

Umupo naman sila sa tabi ko at kumain nadin sa pizza.

"Where's kuya pala?"tanong ni Vinny.

"May inaasikaso daw"

"Ahhh"

Nagkwentuhan lang kaming tatlo doon at nung alas dyes na ay nagpaalam na ako para maligo at mag-ayos dahil susunduin daw ako ni Sandro ng alas-onse.

Nagsuot lang ako ng jeans at green polo shirt at pinarisan ng rubber shoes para mas komportable. Nilugay ko naman ang buhok ko dahil basa pa ito at mamaya nalang ako magpopony.

Nagpolbo at konting lipgloss lang ako para naman magkaroon ng kulay ang labi ko.

Nilagay ko narin sa sling bag na dala ko ang mga importanteng bagay like wallet,cologne,lipgloss,handkerchief,suklay,clips,powder,and phone.

"Pia,andito na si kuya!"dinig kong sigaw ni Vinny  kaya naman agad na akong bumaba.

Nadatnan ko naman siyang nakaupo sa sofa at ng mapansin ako ay agad akong sinalubong sa hagdan.

"You look pretty today"bulong nito at agad na ginawaran ng halik sa pisngi.

"Today lang?"nagtatampong tanong ko.

"N-no, what I m-mean is you look pretty everyday."nauutal na sabi niya kaya naman natawa ako.

"sabi mo eh"sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

"Excuse us please,we're single"pagpaparinig ni Simon.

"Hanap na kasi kayo"asar ko.

"Pass"sabi nito at pumunta sa kusina.

Tiningnan naman namin si Vinny.

"What?"tanong niya,mukhang nagets naman niya"I'll pass too"sabi nito at sumunod sa kuya niya.

Natawa naman kami sa kinilos ng dalawa niyang kapatid.







"San tayo ngayon?"tanong ko.

"Secret"nakangising sagot niya.

"Nanaman hahahah dami mong secret ah"natatawang usal ko. Napansin ko naman na natahimik siya.

Loving YouWhere stories live. Discover now