A/n:So here's the Book 2 or should I say Part 2 pala hahaha. Pinagsama ko nalang kasi wala akong maisip na panibagong title and para narin di na masyadong magulo.
So I hope you'll like it.
Keep reading and keep voting!
Thank you.
-------------------------------------------------------------
"They say you only fall inlove once, but that can't be true, Because everytime I look at you, I fall inlove all over again."
"Love, Mom's calling na, tayo na daw"sabi ni Sandro pagpasok niya sa kwarto namin dito sa bahay nila sa Ilocos.
"Wait lang Love"sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusuot ulit sa damit ni baby Art,nadumihan kasi kanina nung kumakain ng baby food kaya naman inayusan ko ulit.
"Sige,I'll just wait you sa baba"sabi nito at lumabas na.
Ilang saglit lang ay bumaba narin ako. Nadatnan ko naman si Mom na hawak hawak si Baby Izza,habang nilalaro naman ito ni Dad. Yung tatlong magkakapatid naman ay kasalukuyang kinukuhanan pa ng letrato.
Lumapit naman ako kina Mom.
"Blooming ka today Iha, may kasunod naba itong mga apo ko"biro ni Dad.
"Hay nako Dad huwag na muna, masyado pang maliliit tong mga bata at mahirap pang alagaan. Minsan nga ay nagiging tatlo pa ang mga baby ko"biro ko sabay tingin sa pwesto ni Sandro. Natawa naman sila sa tinuran ko at mukhang napansin naman ng tatlo at nakatingin ngayon sa amin.
After ng ilang shots ay tinawag na ako.
Kami muna daw ni Sandro ang mauna kaya pinahawak ko kay Vinny si Baby Art.
"Anong pinag-uusapan niyo kanina love"tanong niya.May pagka marites talaga tong asawa ko eh.
"Wala nagbibiruan lang kami"sabi ko.Napansin ko naman na medyo nagulo yung collar niya kaya inayos ko ito.
"Sweet naman ng asawa ko"nakangiting sabi nito at hinila ako papalapit sa kanya at hinalikan ang pisngi ko.
Nagulat nalang kami ng biglang may nagflash na ilaw.
"Pictorial lang Kuya,huwag kang ano dyan"birong komento ni Vinny na ikinatawa naming lahat. To kasing si Sandro masyadong PDA, enebe hahah char.
Nagstart narin kaming kuhanan ng letrato. Nakailang pose din kami.May normal, may sweet, may wacky,at kung ano-ano pang kalokohan.
Inilapit naman sa amin ang mga bata. Kandong kandong ko ngayon si Art habang si Izza ay kay Sandro.
10 months old na sila at ilang buwan nalang ay first birthday na nila. Parang kailan lang nung sinubok kami ng tadhana pero ngayon may dalawa na kaming anak at masayang namumuhay sa piling ng isa't isa.
"Hey,why are you crying love?"bulong ni Sandro.
Agad ko naman pinunasan ang namuong luha sa mata ko.
"I'm just happy Love"
"me too"sabi nito at hinalikan ako sa noo.
"Okay,start na tayo,tingin sa harap"sabi ng photographer, kaya naman tumingin na kami sa camera.
"1.....2.....3......smile!"
*click*
Our first family photo
