Ilang araw narin simula ng nakabalik kami dito sa Ilocos at sa loob ng araw na iyon ay lagi kaming nagkikita kita nina Jaime para makapag bonding sa isa't isa. Nakausap ko narin sina Tita Liza at Tito Bong pero sa video call nga lang dahil nga sa busy sila.Dinalaw ko narin sina Mama Meldy at Tita Imee para personal na magpaliwanag at humingi ng tawad.
Halos lahat sila alam na at tanging si Sandro nalang talaga. Plano ko na sabihin sa kanya sa birthday ng Lola ko dahil panigurado na inimbitahan niya ang pamilya Marcos.
"Soph pwede bang samahan mo ko sa La Union"sabi ni Lerrie at umupo sa tabi ko.
"Para?"tanong ko at binaba ang hawak kong magazine.
"Wala lang gusto ko lang sanang magpahinga, vacation ganon"paliwanag nito. Sabagay masyado na itong babad sa trabaho eh.
"Sige, sabihan ko lang si Charlie"tatayo na sana ako para puntahan ang bata ng pigilan niya ako.
"Ahmm ano sana,tayong dalawa lang sana kung pwede"nahihiyang usal niya.
"Okay"sagot ko, nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya. Siguro time narin para makapag-usap nadin kami ng maayos.
"Ilang araw ba tayo doon?"tanong ko, kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse niya,pabyahe papuntang La Union.
"2 days lang"sagot nito.
Iniwan pala namin si Charlie kasama si Yaya Meding pati narin si Tyron na pinsan ni Lerrie para may kasama din sila sa bahay.
Mabilis lang ang naging byahe at nakarating na kami dito sa San Juan La Union.
Nagbook lang kami sa isang hotel and resort. Maaliwalas at maganda ang disenyo ng buong paligid.
Dalawang kwarto ang binook ni Lerrie para sa amin.
"Tawagan nalang kita pag lunch na,magpahinga muna tayo"sabi nito after akong ihatid sa room ko.
"Sige"
Nilagay ko lang sa gilid ang bag na dala ko at umupo sa kama.
Inopen ko ang ig ko para matingnan ang mga post ng mga kaibigan ko pati nadin ang iba,pampawala ng boredom.
Naisip ko namang istalk si Sandro at ang una kong nakita ay ang Letrato ng isang babaeng nakatalikod at nakaharap sa papalubog na araw.
Kung titingnan ay napakaganda ng larawan ngunit alam kong ako ang nasa larawan at ang mas masakit ay ang nakalapat na mensahe.
The sunset is beautiful, isn't it?
Alam ko ang kahulugan na nagtatago sa mga salitang iyan kaya naman di ko na mapigilan ang sarili kong humagulgol sa iyak.
Kung kailan handa na ako doon naman siya sumuko. Pero wala naman akong karapatang magalit dahil kasalanan ko naman ang lahat.
"Soph, let's eat na"nagising nalang ako ng may tumapik sa balikat ko at pagtingin ko ay si Lerrie pala ito. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak.
"Sige, wait lang mag-aayos muna ako"sabi ko at nakita ko naman na umalis na siya sa loob.
Naghilamos lang ako at nagsuklay bago lumabas. Nakita ko naman siyang hinihintay ako sa may lobby.
"Let's go"magiliw na sabi ko at ikinawit ang kamay ko sa kanyang braso.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
After namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit at naglibot na sa buong lugar. Tinry namin ang iba't ibang water activities nila dito.
Honestly isa ito sa mga bucket list na gusto kong gawin kasama ang taong mahal ko,pero kahit na ganon ay masaya parin ako na natupad ko ito kasama ang taong nandyan sa tabi ko nung panahong naguguluhan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/294376092-288-k618066.jpg)