Chapter 6

742 35 3
                                    


"So paano nga" kanina pa ko kinukulit nitong si Rita about kay Sandro pero dinedma ko nalang. Ayokong magkwento.

Mukhang napansin naman ni Rody na wala ako sa mood kaya hinila na niya palabas ng room si Rita kaya eto ako ngayon mag-isa sa kwarto.

Napagdesisyonan kong buksan ang IG ko dahil matagal tagal narin na di ko ito nabubuksan. Medyo busy kasi sa school tsaka wala naman din akong ipopost.

Pinagha-heart ko lang mga post ng mga kaibigan at kakilala ko ng mapansin ko na may pinost si Kuya Matt together with his brothers and cousins.Kasama yung girl na sinend ni Karen sa post ni Ate Xandra. He looks happy with her. I guess talagang nakapag move on na siya.

Oh God, tama na Pia. Sinasaktan molang ng paulit ulit ang sarili mo. Move on na girl,nakapag move on na lahat,ikaw nalang hindi.

Diko na namalayan na binuksan ko yung isang folder ko sa gallery na naglalaman ng mga pictures namin together.

Bigla nalang tumula ang mga luha ko habang tinitingnan ang mga ito.

Ang saya pa namin dito.

Makikita sa mga mata namin ang pagmamahal.

Dati ako ang nagbibigay ningning sa mga mata niya ngayon ay iba na.

Ako ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon ay iba na ang gumagawa.

Bakit biglang nagbago?

Bakit Sandro?

Bakit mo ko iniwan?

Arrgghh mababaliw na ko sayo Sandro.....






Last day na namin ngayon dito sa Ilocos and bukas uuwi na kami kaya naman pinayagan kami na maglibot libot dito. Kaya eto kasama ko sina Rody at Rita pati si Marco dahil nga taga dito ito kaya siya daw magiging tour guide namin.

"Sir Marco punta naman tayo sa mga bilihan ng souveniers,pampasalubong"yaya ni Rody.

"Okay,doon nalang tayo sa windmill sa may Bangui,mas mura ang mga pampasalubong don para mas marami kayong mabili"sagot nito.

"Okkkiiee"

Natapos nako sa pamimili at yung dalawa ay di pa kaya naman lumabas nako sa tindahan.Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Marco.

"Uuwi na kayo bukas"pambabasag niya ng katahimikan.

"Oo nga, back to work na ulit"sabi ko.

"Ahmm, can I ask you something?"nag-aalanganang tanong niya.

"Sure"

"Do you have boyfriend?"

"No"

"hmmm okay"nakangiting usal niya.

Happy ka pa sir hahaha.
Medyo naging awkward yung atmosphere kaya mabuti nalang at natapos na sa pamimili yung dalawa.

"Ang mura dito ah,dito nalang kaya tayo tumira"biro pa ni Rody.

"Bakit hindi"pabirong pag sasang-ayon ni Marco.

Napagdesisyonan namin kumain sa isang seafood resto dito.

"Grabe nabusog ako don ah,mas lalo akong tumaba huhuhu, pero keri lang maganda naman hahaha"sabi ni Rita.

"Halata naman sis"

"Na maganda ako,Rod"nagpapacute pa na sabi ni Rita.

"Hindi, na mataba ka"sarkastikong sabi ni Rody.

Loving YouWhere stories live. Discover now