Chapter 1

2K 54 13
                                    


Sophia's POV

"That's all for today class, goodbye"pagpapaalam ko sa klase at agad ng lumabas.

Bago ang lahat,nais ko munang magpakilala.

I'm Sophia Torres, 24 years old and currently a Math teacher.Single and no time to mingle.Charr.

Yan lang ang maibibigay kong info. Tinatamad na kong magpakilala eh.Sorry naman hahaha.

So yun nga habang naglalakbay ay nakasalubong ko naman si Rody,kapwa guro ko rin at kaibigan ko kaya naman sabay na kaming dumeretso sa faculty at tumambad sa amin si Madam Cruz, Head teacher ng Math Department.

"Mabuti at nandito na kayo"saad nito at naguguluhang nagkatinginan naman kaming dalawa ni Rody.

"Bakit po Maam?" pagtatanong niya

"Remember yung conference na dadaluhan nina Mark at Jelly?"tanong niya at tumango kami bilang tugon"Dahil nga bagong kasal sila at nagfile ng leave,kayong dalawa ang napili ni Madam Principal para umattend"paliwanag niya.

Bongga!Sana lahat nahanap na si 'The One'

"Ok po Ma'am"sagot ko.

"O sya sige bukas ng umaga mga ala sais ay may susundo sa inyo dito sa school, tsaka pala magdala kayo ng extra niyong damit good for three days"dagdag pa nito.

"Po?di po ba sa Convention Hall lang sa San Fernando gaganapin?"tanong ko, dahil alam ko ay doon ang venue at isang araw lang yon.

"No, inilipat nila ng last minute and kaya umabot ng three days ay dahil may mga pupuntahan pa ata kayo doon,basta yun ang sabi ni madam" paliwanag niya pa.

"Saan po ba Ma'am?"tanong ni Rody.

"Ilocos Norte"




Ilocos Norte

Ilocos Norte

Ilocos Norte

Paulit ulit na naririnig ko yan sa aking utak.

No, baka wala siya doon. Nasa London siya ngayon. Tama yun nga kaya wala kang dapat ikakaba.

Relax Pia okay, inhale, exhale.

"Bakla,diba taga don yung ex mo"biglang sabi naman ni Rody habang nag-aayos kami ng gamit namin sa faculty.

"Oh tapos"walang ganang tugon ko

"Anong oh tapos,syempre makikita mo don"asik nito

"Impossible, ang alam ko nasa London siya"

"Wow ah, alam na alam, stalker ka sis"biro nito

Diko nalang siya pinansin at patuloy lang sa pag-aayos ng gamit ko.

"Osya bakla,kita nalang tayo bukas dito ah"paalam nito at agad nang sumakay sa service niya.

"Sige, Ingat"

Dumiretcho naman ako sa grocery store para mamili ng pagkain,naubos na kasi yung ilan sa mga stock namin sa bahay,dinagdagan ko narin para sa dadalhin ko bukas.

Pagkauwi sa bahay ay inayos ko muna lahat ng pinamili ko at naglinis narin.Everyday routine ko na iyon dahil wala naman kaming mga katulong sa bahay, si papa nagtatrabaho sa company nung kaibigan niya sa Manila kaya naman kada sabado at linggo lang ang uwian.

Sakto bukas ay uuwi ito kaso ay ako naman ang wala, ang dalawa kong kapatid, yung isa nagtatrabaho na sa isang real estate company sa Manila and yung bunso naman ay  3rd year accountancy student.

Loving YouWhere stories live. Discover now