"Ang cute talaga ng batang iyon"masayang sabi ni Mom
Kakauwi lang namin ngayon dito sa bahay at dito na muna sila nagpalipas ng gabi at bukas nalang daw sila lilipad ni dad papunta sa malacanang.
"Oo nga Hon, sayang at di natin nakilala ang mga magulang niya"dad said.
"Gusto ko na tuloy talagang magka-apo"malungkot na sabi ni mom sabay tingin sa aming tatlong magkakapatid.
"Kina kuya ka humingi Mom, baby pa ako"Vinny said
"I'm busy pa Mom" Simon
Tumingin naman silang lahat sa akin. Heto nanaman tayo.
"You know my answer for that guys"sabi ko at iniwan na sila doon at umakyat na sa kwarto ko.
Hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ng bata kaya naman kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang picture na kinuha ko kanina habang kandong siya ni Mom.
He has a good facial features, I guess nakuha niya sa mga parents niya.Sabagay kanino pa ba magmamana.
Siguro kung nandito pa si Sophia baka may anak na din kami.
"Love ilan ang gusto mong anak?"I asked. Bigla naman siyang natigilan sa ginagawa niyang bracelet.
"hmmm siguro dalawa or tatlo, kasi pag only child parang ang lungkot naman"paliwanag niya"Ikaw ba?"
Nakaisip naman ako ng kalokohan.
"Ilan ba kaya mo?"ngising saad ko,napansin ko naman ang pamumula ng mukha niya at agad na binalik ang atensyon sa ginagawa.
"k-kung a-ano ano na-naman pi-pinagsasabi mo"nauutal na saad niya kaya naman natawa ako sa inasta ng girlfriend ko.
Nabalik lang ako sa wisyo ng nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Come in"
"Kuya, can I borrow your charger sa laptop, nakalimutan ko yung akin sa office"Simon said pagpasok niya sa kwarto ko.
"Kunin mo nalang sa ilalim ng drawer ko"
"Wala ka ba talagang balak maghanap ng babaeng mamahalin mo"
Akala ko umalis na to after kunin ang kailangan niya, hindi pa pala.
Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa kanya.
Nakasandal siya ngayon sa pintuan ko habang nakatingin din sa akin.
"I don't know Si, I don't know"malungkot na sabi ko at yumuko. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko dahil ayokong makita ako ng kapatid ko na umiiyak.
"I know it's hard Kuya, but it's time for you to let her go. Alam ko na pinatuloy mo parin ang search and rescue operation kahit na ang family niya mismo ay pina stop na. I also know that you hired a private investigator just to find her too......It's been years but hanggang ngayon wala parin. Don't you think na kailangan mo na talagang bumitaw?...........Kuya you need to move forward. You have a life. Let Sophia rest and let your heart heal"
Do I really need to stop?
Do I have to?
After my meeting to Matthew about the projects that we wanted to implement, I decided to visit the bridge where that incident happened.
Everytime na namimiss ko siya lagi akong pumupunta dito. Hoping and praying na makita siya. Pero wala.......wala.
"Hey love, how are you? Ako eto busy sa work,medyo pagod but it's all worth it"pagsisiumula ko"Do you know that yesterday I met this bubbly kid sa fort ilocandia, siguro kung nandito ka pa baka may anak na din tayo."pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko.
Naramdaman ko narin ang pagtulo ng butil ng ulan at pag ihip ng malakas na hangin.
"Lahat sila sinasabi na pakawalan na kita.........pero nagmatigas ako kasi alam ko buhay kapa, umaasa ako na babalik ka..........But I guess tama sila, kailangan na nga kitang pakawalan. Just like what Simon said, I need to move forward.
Siguro hindi pa talaga ito ang oras natin but I will do everything so in our next life wala ng makakapaghiwalay sa atin.
See you in our next life, My love"Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang paglabas ng emosyon na ilang taon ko ding tinatago.
Your free now, My love.
I love you.
-------------------------------------------------------------
Bumuhos na ang malakas na ulan pero nandoon parin siya...... nakatayo.
Walang pakealam kahit na may mga sasakyang dumadaan, kahit na basang-basa na siya.
Gusto kong lumapit.
Gusto ko siyang yakapin.
Pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.
Dahil alam kong ako ang dahilan ng paghihinagpis niya.
"Bakit hindi mo pa siya lapitan?"usal niya.
"Natatakot ka?"
"Takot saan?na baka di niya maintindihan ang rason mo?"
Nanatili lang akong tahimik.
"Kung paiiralin mo ang takot mo talagang hindi ka sasaya. Sa loob ng ilang taon nakita mo kung paano siya nagdusa sa nangyari. Hindi ba eto na ang tamang oras para naman mabuhay kayo ng masaya?"
"Sa tingin mo ba maiintindihan niya ako, kung ako mismo di ko maintindihan ang sarili ko"saad ko at natahimik siya.
Sabay lang namin siyang pinagmasdan.Walang imikan at tanging tunog lang ng pagbagsak ng ulan sa mga payong namin ang naririnig.
"Oo, lalo na kung mahal kita. Kahit ano pang dahilan mo, iintindihin ko dahil nga mahal kita"nagulat ako sa sagot niya kaya naman tiningnan ko siya at nakita ko na nakatingin din siya ng deretso sa akin pero agad din itong umiwas at tinalikuran ako.
Lerrie.............