Lumipas ang araw at palagi lang akong nasa kwarto.Hindi ako sumasama sa gala nila.Nagpabili lang nga din ako ng mga pampasalubong sa mga kaibigan ko sa kapatid ko nung minsan na naglibot sila kasama sina Vinny.
Hindi rin daw sumama non si Sandro sabi ng Kapatid ko dahil umuwi daw siya sa bahay nila sa Manila.
Kasama ko ngayon si Ate Jian para mamili ng mga grocery sa bahay. Sumama na ako para makapaglibot narin bago kami umalis bukas.
"Wala ka na bang gustong bilhin Pia?"tanong niya bago kami pumunta sa counter para magbayad.
"Wala na ate"sagot ko.
Sinakay na muna namin sa kotse yung mga pinamili namin at dumiretso kami sa mall dahil may bibilhin daw doon si Ate Jian.
Habang nasa mall ay nagtingin tingin narin ako ng mga gusto kong bilhin.
Bumili ako ng mga ilang damit at accessories pati yung libro na natipuhan ko.
"Kain muna tayo"yaya niya kaya naman pumasok kami sa isang fast food chain.
"Hanap kana ng mauupuan natin at ako ng oorder"sabi niya kaya naman naghanap na ako ng pwesto kaso ay puno na sa baba kaya naman dumiretcho ako sa second floor nito.
Ngunit napatigil ako ng nakita ko siya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
na may kahalikang babae.Akala ko ba gusto niya ko?
Pinaglalaruan mo ba ko Sandro?
Mukhang napansin niya ako dahil tinulak niya agad ang babae at dali daling lumapit sa akin.
"S-Sophia l-let m-me e-explain"nauutal na sabi niya.
"Huwag na.Wala ka naman dapat iexplain.........Kuya Sandro"
Agad kong hinila si Ate Jian palabas nung fast food chain mabuti nalang at dipa naka order.
"Pia, may problema ba?"nag aalalang tanong niya.Pero umiling lang ako.
"Ano bang nangya---teka!bat ka umiiyak"agad naman niya akong hinila papasok sa kotse.
"Tell me,what happened?"maawtoridad na saad niya.
"N-nakita k-ko s-si S-Sandro n-na m-may ka-kahalikang b-babae"kahit na nahihirapan ay pinilit ko paring magsalita.
"Aba'y gago yon ah!Asan nga at matadyakan ko!"asik niya at akma ng bababa ng kotse ng pigilan ko siya.
"Huwag na ate ha-hayaan mo n-na si-sila"
"Anong hayaan! E sinaktan ka nga eh,niloko kapa!"
"Wala namang kami ate eh,so technically pwede siyang manghalik ng iba. Kasi walang kami"natigilan naman siya doon at agad na niyakap ako.
"Ssshh tahan na,di niya deserve yang mga luha mo, kaya huwag ka nang umiyak diyan,okay"pagpapakalma niya sa akin.
Hanggang sa makauwi ay inalalayan ako ni Ate Jian sa kwarto. Tinanong pa ako nina Lola bakit mugto daw ang mata ko kaya nagdahilan nalang si ate Jian na dahil ito sa pinapanood kong kdrama.
"Sige na magpahinga kana,Huwag mo nang isipin yon"
Pero kahit anong gawin ko ay yun parin ang naiisip ko.Sa oras na ipipikit ko ang aking mga mata ay yung nangyari kanina ang nakikita ko.
Eto na ba yung heartbreak na sinasabi nila?hahaha gag* ang sakit pala hahaha.
Naisipan kong bumaba dahil di rin naman ako makapagpahinga.