Chapter 9

722 28 4
                                    


"Nandito na tayo"sabi ni Tita habang pinapark yung sasakyan.

"Pia ikaw na magbitbit sa regalo"utos pa nito kaya naman hawak hawak ko ang isang kulay red na paper bag. Ano kaya laman nito.Medyo mabigat.

Namangha naman ako sa laki at disenyo ng bahay. Di pala bahay, kundi Mansyon,Sobrang laki,as in.May pagka old style pero napaka classic tingnan.

Nauna ng pumasok ang mga kasama ko at nagpahuli ako Sinadya ko talaga yon dahil naaliw akong pagmasdan ang buong lugar at di ko napansin na may kasalubong na pala ako,kaya naman na out of balance ako.

Nakapikit nalang ako dahil alam ko kung saan aabot ito.Ready na akong mahulog sa sahig pero may kamay na pumulupot sa aking bewang.

"Gotcha"bulong nito na nakapagbigay ng kiliti sa aking tenga.

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ng isang napakagwapong nilalang na ngayon ay deretchong nakatingin sa akin.

Napansin ko naman na bumaba ang kanyang tingin sa aking labi kasabay ng unti unting paglapit ng mukha niya sa akin.

Hala,makukuha naba ang first kiss ko!!!

Bilis naman,di pa ko ready!!!

"Ate!"napaderetcho naman ako ng tayo ng narinig ko ang sigaw ng kapatid ko kaya naman dali dali akong lunapit sa kanya at iniwan yung lalaki.

Shocks muntik na yon.

"Anyare?"tanong niya.

"wala"



Dumiretcho kami sa may garden at nandoon na sina lola. Pinalapit naman nila ako doon para ipakilala.

Kaya pala familiar ang Apelidong Marcos ay dahil nandito kami sa bahay nina Madam Imelda Marcos!!

Wow,napakalaking pribilehiyo nito.

Ang gaganda at ang gagwapo din ng lahi nila. Lalong lalo na si Maam Imelda,hanggang ngayon walang kupas ang ganda.

Nagpakilala din ang mga iba sa akin at nakipag kamustahan.Naputol lang ito ng biglang may sumigaw.

"Happy Birthday Manang Imee!"sigaw nito kasabay ng pagputok ng mga party popper.

Nagtawanan naman ang lahat at sabay sabay na kumanta ng happy birthday habang lumalapit si Kuya Borgy na may hawak ng cake.

Pinaupo naman si Maam Imee at nilagyan ng flower crown ni Madam Imelda. I think tradition nila yon.

Nakangiti kolang silang pagmasdan ng may maramdaman akong presensya.

"I'm sorry about earlier" sabi nito.

"ahmm,wala yon, kalimutan nalang natin"sabi ko.

"But kskdjt"bulong nito.

"May sinasabi kaba?"tanong ko,di ko kasi masyadong maintindihan.

"Ah nothing"sabi nito sabay ngiti pa.Nagpaalam ako na pupuntahan ko yung mga kapatid ko dahil wala rin naman akong sasabihin, at wala rin naman kaming pagkwekwentuhan.

May mga dumating din na ibang bisita kaya naman napagpasyahan kong maupo doon sa may garden dahil walang tao doon.

Hindi kasi ako sociable katulad ng mga kapatid ko. I prefer being alone. Tahimik.

Pero akala ko lang pala dahil nandito nanaman sa tabi ko itong lalaking to. Kanina pa to ah.

"alone?"

"may nakikita kaba?"bulong ko pero mukhang narinig niya dahil natawa siya.Obvious naman kasi eh.

Umupo naman siya sa tabi ko at inalok ng prutas.

"I noticed that you like fruits" wow ah pansin niya pa yon.

Di nako nagsalita dahil nag umpisa narin akong kumain.Sayang eh.

"Why are you so quiet?"tanong nito.

"Wala lang"

"Hmmm okay"sagot nito at binalik ang tuon sa pagcecellphone.At ako binalik ang atensyon sa pagkain.

Nang maubos ko na ay tumayo na ako.

"Thank you pala sa fruits,ibabalik ko lang tong plates doon"sabi ko at akmang aalis na sana ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Let me join you"sabi nito at hinila na ako papunta sa garden.

"Oh here's Sandro" sabi ni Kuya Luis.

Kaya naman naagaw namin ang atensyon ng lahat.
Ayy anyare.

"Mukhang may something ah"pagbibiro ni kuya Matt

"He makes the move na"gatong pa ni Kuya Borgy na ikinatawa ng iba pa nilang pinsan.

Medyo naguluhan naman ako doon.

"Baka gusto mo ng bitawan ang ate ko"asar na sabi ni Joyce habang may nakakalokong ngisi.Sira ulo to ah.

Binawi ko naman ang kamay ko at lumapit sa kapatid ko na patuloy parin sa pagngiti ngiti na parang aso.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at ang walang modo tumawa lang.Tss

Marami ng bisita ang umuwi at tanging kami nalang ang nandito.Nagkwekwentuhan lang ang mga nakakatanda samantalang ang mga apo ni Madam Imelda at ilang sa mga pinsan kong lalaki ay nagiinuman na.

Kami namang mga babae ay inaya ni Ate Xandra at Ate Cara asawa nina kuya luis at kuya michael.Nandito kami ngayon sa sala nila habang nagkwekwentuhan.

Samantalang ako nilalaro ko si Mia, anak ni Ate Cara. Ang cute cute kasi eh.

"Bagay kayo ni Sandro, Sophia"turan ni Ate Xandra na sinang ayunan ng lahat.

"Sinong Sandro po?"tanong ko kasi wala naman silang binanggit na Sandro kanina.

"The small guy earlier"biro ni Ate Cara.

Ahh so Sandro pala ang name niya.

Wait parang familiar ah.

"ayy naku hindi po ate, isa pa mukhang bata pa sa akin yun eh"sabi ko.

Nagtawanan naman sila.May mali ba akong sinabi.

"Sorry for that"sabi ni Ate Xandra habang pinupunasan pa yung luha niya sa mata. Ganon ba ka funny yung sinabi ko.

"Sandro is already 21 na"paliwanag nito.

21!What!

E mukhang 16 or 17 palang siya ah, akala ko nga kaedaran ko lang din eh.

"bat ang bata pa ng face niya"di makapaniwalang sagot ko.

"yeah, just like his height"-ate Xandra

"Hey,baka marinig niya tayo at magalit pa hahaha"-Ate Cara at nagtawanan pa sila.

So ibig sabihin matanda siya ng 3 years sa akin tas ganon pa ang trato ko.

Nakakahiya!!!!

Lamunin na sana ako ng Earth!!!!!!







Loving YouWhere stories live. Discover now