Lunch time na kaya naman nagsipwesto nakami sa hapag kainan.Hinila naman ako ni Vinny sa tabi niya kaya naman nakapagitna ako sa kanilang Dalawa ni Kuya Sandro.Habang kumakain ay nagkwekwentuhan lang sila.Nakikinig lang ako dahil wala naman akong maishare.
"You should try this one,It's delicious"sabi ni Vinny sabay abot sa akin ng scallops.Kaya kinain ko naman.
"Hmm masarap nga"masiglang sabi ko.
"See hahahaha"Natatawang turan niya.Ang cute talaga niyang tumawa hahaha.
"You know what parang bagay kayo ni Vinny"sabi ni Ate Jian,pinsan ko.
"Oo nga no"pag sang ayon naman ng iba.At nagsimula nanaman silang mang-asar.
Pareho naman kaming namula ni Vinny.Well ako kasi nahihiya ako,siguro ganon din si Vinny.
"Guys,stop na,baka bumaligtad tong lamesa ng wala sa oras"biglang sabi ni Kuya Alfonso,kaya naman nanahimik na sila pero nagpipigil parin ng tawa sina kuya matt at kuya borgy.
Bigla namang tumayo si Kuya Sandro.
"Excuse me"sabi nito at agad ng pumasok sa loob.
"Anong nangyari don?"bulong ko kay Vinny pero nagkibit balikat lang siya.
Baka nasi-cr.
After naming magligpit ng pinagkainan ay nagpahinga muna kami dahil medyo mainit pa para pumunta sa tabing dagat.
Nandito ako ngayon sa kwarto,mag-isa.
Yung kapatid ko kasi ayon nagsiswimming parin kasama mga pinsan ko at si Andy.
Nagpasya naman akong magswimming na kaya nagpalit na ako.
Nagsuot lang ako ng black strap tube na pinatungan ko naman ng manipis na red shirt na medyo kita ang right shoulder ko.Hanging shirt ata to hayy basta diko alam tawag doon eh basta isipin niyo nalang hahaha.Hiniram ko lang kasi sa kapatid ko eh.Sponsor sa damit ang peg hahaha.
Nagsuot din ako ng short na di masyadong maikli,yung sakto lang naman.Inayos ko din yung buhok into messy bun para di gumawa ng eksena mamaya.
Nang ready na ay lumabas na ako.
"Wow"
"Sexy naman ni Pia"
"That's our little patuti"
"Sandro bibig mo"
Samo't saring papuri ang inabot ko sa kanila kaya medyo nahiya ako don.Lumapit nalang ako kay Andy sa may children's pool.
"Ate your so pretty"sabi nito paglubog ko sa pool.
"aww thank you Andy, your so handsome too"sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.Tumawa naman siya.Ayy kinikilig hahaha.
"Si Sandro naman daw Soph"sigaw ni
Ayy gagi,bakit nilulublob ni Kuya Sandro si Kuya Borgy.
Medyo malamig na ang simoy ng hangin pati ng tubig kaya naman nagpasya na akong umahon,sinama ko narin si Andy baka magkasakit pa eh.
Binalot ko sya sa tuwalya na binigay ni Ate Kiara kanina. Ako na muna ang umasikaso sa bata para naman makapag enjoy silang mag-asawa,mabuti nalang at di masyadong makulit itong bata.
"Do you want to eat,Andy?"tanong ko.
"Yes po"masiglang sagot niya kaya naman inaya ko sya sa loob.
Ginawan ko siya ng sandwich at juice.Gumawa narin ako ng extra para sa mga gustong kumain.Baka nagugutom nadin sila eh.
"Kuha lang si Ate ng fruits sa ref ah"paalam ko kay Andy at tumango lang bilang pagtugon dahil puno ang bibig sa kinakain.