Nasa isang mini bus kami na pinrovide ng kapitolyo ng Ilocos Norte.Well dahil nga kahapon ay seminar ang ginawa namin, ngayon naman ay bibisita kami sa mga tourist spots na pinagmamalaki ng lugar.
So parang field trip. Oh diba sosyal kung kailan tumanda nako doon kopa naranasan mag fieldtrip,dikasi kami pinapayagan dati,dahil manonood lang daw naman ng boring na play kaya ayun di namin naranasan magkakapatid.
So dahil mala field trip tayo ay syempre may pa tour guide hahahaha.
Una naming pinuntahan ay ang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Alas singko na ng hapon at
Nandito na kami ngayon sa Sta Monica Parish Church.Eto yung second to the last na pupuntahan daw namin, dahil yung panghuli ay yung sikat na kainan dito sa buong Ilocos Norte. Sakto sa dinner.Well, ang una naming pinuntahan ay ang Malacañang of the North,next ay ang Museo de Ilocos Norte and after that naglunch kami sa La Preciosa and next naman ay ang Paoay Church at dumaan din kami sa pinaka kilalang tourist spot dito, ang Windmill.
Nagsibabaan na ang iba naming kasama at ako ang nahuli dahil inayos ko lang saglit yung buhok ko, nagulo kasi kanina.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang napakagandang estraktura ng simbahan.
Wala paring pinagbago. Kagaya parin ng dati.
Mukhang kami lang ang nagbago.
"Sis tara na"tawag sa akin ni Rita kaya naman sumunod na ako sa kanila.
Pagpasok palang sa simbahan ay nanumbalik ulit ang nakaraan.
"Love, did you know that this is where tita Irene and tito Greggy married"
"Really?"
"Yup, and I also want to married here"
"Hmmm"sagot ko at nakatuon parin ang atensyon sa buong estraktura ng simbahan,Nakakamangha.
"Let's get married"saad niya kaya naman tiningnan ko ito baka nantitrip lang or what. Kasi naman 21 palang ako dito tapos siya 24.Nasa tamang edad na pero masyado paring bata.Pero seryoso itong nakatingin sa akin.
"h-ha-ha-ha, anong klaseng pick up line yan love,napakaseryoso naman hahaha"dinaan ko sa tawa dahil di ko matake mga sis.
"I'm not joking love,I want to get married......with you"nakangiting sabi niya"I want to build a family with you, I want to do everything with you, I want to be with you........forever"dagdag pa nito.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa oras na iyon,dahil isa lang ang nararamdaman ko,Saya.
Masaya ako na ang taong mahal ko ay mahal din ako. Na nais niyang bumuo ng pamilya kasama ako. Di ko na napigilan pa ang emosyong nararamdaman ko kaya napan umiyak ako sa harap niya.
"H-hey w-why are you c-crying?did I say something wrong?"mahihimigan ang pag-aalala niya kaya naman umiiling ako at niyakap siya,naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.
"Tears of Joy,Love."sabi ko
Humiwalay naman siya ng konti para matingnan ako sa mata.
"akala ko ayaw mo kong pakasalan eh"biro niya kaya naman pinalo ko siya sa braso.
"Sira" natatawang sabi ko at hinigit niya ako ulit para yakapin.Naramdaman ko naman na hinalikan niya ako sa noo.
"I love you Love and I will always be"
"I love you too"
Nasaan na yung pangako mong yon.
Kasabay na pag-alis mo ang paglaho ng mga pangarap na binuo nating dalawa.
"Uyy te ano tatayo ka nalang ba dyan"pag-aagaw ni Rody sa atensyon ko. Agad ko namang pinunasan ang mga luhang nagbabadyang mag-unahan.Mabuti nalang at di nila ito napansin.
Lumapit na ako sa kanila at nagsimula ng magdasal.
Lord,thank you po sa lahat ng blessing na binigay niyo sa amin. Salamat din po dahil healthy kaming lahat at walang nangyayaring masama sa amin.
Lord, bakit po ganon, akala ko ayos na ako, akala ko nawala na yung sakit pero bakit ganon, hanggang ngayon nandito parin.Bakit hanggang ngayon siya pa rin.Alam ko naman na bago na siya pero bakit ganito parin ang nararamdaman ko. Tulungan niyo po ako Lord oh,bigyan niyo ko ng sign.
Gusto ko na pong matapos to.Pagkatapos kong nagdasal ay lumabas muna ako sa simbahan para maglibot libot.Mabuti nalang at si Marco ay sumama sa mga kasamahan niya dahil kanina pa siya nakabuntot sa akin. Di naman sa ano pero medyo naiilang ako lalo na't tinutukso pa kami ng lahat.
"Ineng bumili kana nitong mga paninda ko"tawag sa akin ng ale na nagtitunda ng mga ilang kakanin, kaya naman lumapit ako.
"Magkano po isa?"tanong ko
"tatlo sinkwenta itong mga cornick, tas isang daan itong bagnet"paliwanag ni Ale.
"100 pesos pong cornick at dalawang bagnet po"sabi ko at agad na niya itong pinlastik
"300 pesos Ineng"sabi nito at inabot ko na ang bayad.May binigay naman siya sa aking tinapay.
"Buksan mo ito Ineng at may nakasulat na mensahe dyaan,gawa ng aking anak"sabi nito kaya naman tinanggap ko na ito at nagpasalamat.
Umupo naman ako sa may lilim ng puno,mabuti nalang at may upuan hahaha.
Inilapag ko muna ang mga binili ko para mabuksan yung fortune cookie ata ito eh kasi may message daw sa loob.
Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang mensahe na para bang ito ang hinihintay ko.
Love is sweeter the second time around.
Sign ba to?
Eto na ba yon Lord.
Pero bat mas lalo akong naguluhan.
Second time around e may bago na nga.Teka nga bat ko ba pinoproblema tong lovelife nato.
Sigurado namang di niya ko mahal eh kaya nga iniwan.
Naturingang nasa top ng klase,tanga naman sa pag-ibig tss.
"Ate ganda para sayo po,pinapabigay po nung kuyang pogi" sabay abot sa akin ng bulaklak ng isang batang lalaki.
"Sino?" takhang tanong ko.
"Secret po,tsaka pinapasabi po pala niya huwag na daw po kayo malungkot,smile lang daw palagi"dagdag pa nito at agad na kumaripas ng takbo. Kaya wala na akong nagawa.
Sino naman kaya ang magbibigay nito?
Di kaya si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sandro?