Chapter 5

780 37 0
                                    

"Nandito ka lang pala, tara na aalis na daw tayo"pag-aayaya sa akin ng dalawa.

"ayy buti nabigyan ka pala ng rose,akala namin hindi dahil wala ka sa loob"sabi ni Rita pagkakita niya sa hawak kongbulaklak.Napansin ko naman na may hawak din silang dalawa,pero kulay puti nga lang samantalang akin ay pula.

"Meron din kayo?"takhang tanong ko.

"Yup,binigay ng mga sakristan doon sa loob kanina.Actually sa mga girls lang pero nakiusap ako buti pinagbigyan hahaha"saad ni Rody.

"Guys, let's go na"tawag sa amin ni Marco kaya naman agad na kaming pumasok sa sasakyan.

So ibig sabihin hindi si Sandro ang nagbigay.

Sabagay bakit nga pala niya ako bibigyan diba hahaha.Umasa ka nanaman Pia yan tuloy nasaktan ka, ng slight.

Magtatakipsilim na ng makarating kami sa Casa Deliciosa.
Mala Spanish era ang theme ng resto at napaka aesthetic ng vibes even yung mga design talagang pang-instagramabble din kaya siguro dinarayo din ito.

Umupo sa tabi ko si Marco at ngumiti sa akim kaya naman ginantihan ko rin ito ng ngiti.

"Ang tahimik mo ata ngayon"bulong niya.

"Ah wala,medyo pagod lang"sagot ko.

"Ehem, ehem, seminar ang pinunta sa Ilocos ah,paalala lang"biro ni Rody kaya naman tiningnan ko siya ng masama at ang loko loko ay nagawa pang ngumisi. Humanda ka talaga sakin Rody pagbalik namin sa Pampanga.

Dumating narin sa wakas ang pagkain kaya nawala sa amin ng atensyon ng lahat. Life saver talaga ang food hahaha.

Mga local food ang sineserve nila like adobo,kaldereta,sinigang, at syempre di mawawala ang ibat ibang klase ng putahe gamit ang bagnet, may mga apettizer and desserts din.And even yung dragon fruit ice cream na laging binibili sa akin ni Sand-- Erase erase.

Mag iisang oras din kaming namalagi doon at napagpasyahan na naming umuwi pero nagpaexcuse muna ako dahil kailangan kong magbanyo.

Nang matapos na ako sa kailangan kong gawin ay lumabas na ako doon. Bigla namang tumunog ang phone ko at kinuha ito sa dala kong bag kaya naman di ko napansin na may kasalubong na pala ako at nagkabungguan kami.

"sorry miss" paumanhin nito.

"sorry din po si-"

"Sophia?ikaw nga"masiglang sabi ni

"G-Gov Matt"

"Yeah, by the way how are you?, di kita nakamusta kahapon dahil busy kayo"tanong nito.

"Ayos lang Gov, medyo pagod pero masaya naman"

"well that's good,and don't call me Gov,call me Kuya Matt, just like before diba"nakangiting saad nito.

"Okay Go-, Kuya Matt"sabi ko na nakapagpangiti sa kanya.

"So I hope you enjoy your stay in Ilocos again.Also if you have time you can visit Mama Meldy,she really misses you a lot even San-"

"ahh kuya Matt alis nako baka hinihintay na ako eh"pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"a-ah s-sure"

"Sige Kuya,and I'll try to visit si Mama Meldy before kami umuwi"sabi ko

"Okay,bye take care ah"pahabol nito.

"Buti naman at dumating ka akala namin nalunod kana sa banyo"pang aasar sa akin ni Rody.

"Tss,kinausap lang ako ni Kuya Matt"paliwanag ko.

"Kuya Matt?as in Yung Governor?"tanong niya kaya tumango ako.Alam naman ni Rody ang kwento ng lovelife ko kaya kilala niya rin si Gov. Matt.

"wait kilala mo si Gov.Matt Manotoc?"singit na tanong ni Rita.

"hhmmm"

"How?"

"Syempre pinsan ng Ex niya"pagsasagot ni Rody sa tanong ni Rita sa akin.

"Ex?wait, so may ex ka sa mga pinsan niya?sino!the who sis!"excited na tanong niya.

"None other than Mr. Ferdinand Alexander "Sandro" Marcos lll"saad ni Rody.

"For real!si Sandro!"sigaw niya kaya naman agad kong tinakpan ang bibig niya baka may makarinig pa.

"Ano ba, huwag mo namang ilakas!"asik ko.

"Sorry"naka peace sign pa na sabi niya"pero totoo,ex mo yon?"

"Wow te,parang di makapaniwala"sarkastikong sabi ni Rody "sa tingin mo ba di kayang bumingwit ng isang Sandro Marcos nitong si Sophia"dagdag pa nito sabay turo sa mukha ko.

"hindi naman sa ganon no, kahit sino kaya magkakagusto kay Sophia no,Si Marco nga gusto eh.Ang akin lang diba sa London lagi  yon, like paano naging kayo and bat kayo naghiwalay!"

"Basta!"asik ko paano ay ang kulit.

"make kwento dali,so paano kayo nagmeet,siya ba nanligaw o ikaw?"pagkukulit pa niya.

Ayy grabe sa ako ang nanligaw ah.Kahit ganto ako dalagang pilipina parin ako no.Charot.

"ewan ko sa inyo"naiinis na sabi ko at agad ng sumakay sa sasakyan,sinuot ko narin yung earphone ko para di na sila mangulit pa.

Puro nalang Sandro........Sandro......... Sandro.Nakakinis na.

Gusto ko ng umuwi.

Gusto ko ng umiyak
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ulit.

Loving YouWhere stories live. Discover now