Part 2-Chapter 45

290 13 1
                                    


Ilang sandali lang din ay dumating na sila kaya naman nagsimula na kaming magluto.

Kaming dalawa ni Karen ang nasa kusina habang yung apat ay nasa malapit sa dalampasigan para magset ng table at ihawan doon.

We decided to cooked sinigang, adobo and fried pork chop tsaka magiihaw daw kami ng chicken inasal and hotdog,may nabili na kasi sila na agad ng nakatimpla.

Hindi naman kami nagpapansinan ni Karen siguro ay dahil galit parin siya sa akin, sabagay sino ba namang hindi lalo nat ganon ang usapan namin.

Pero ayoko naman na matapos ang araw na ito na magkagalit kami kaya after kong nagluto ng sinigang ay lumapit ako sa kanya.

"Psst"

"Karen"pagtawag ko pero di parin niya ako pinapansin at nagtuloy tuloy sa ginagawa niya.

Napabuntong hininga naman ako don.

"Okay fine I'll tell them"saad ko na agad niyang ikinaharap sa akin.

"Really?"

"Oo pero after nalang ng vacation natin,I want to enjoy muna"sabi ko agad naman siyang yumakap sa akin.

"Don't worry nandito naman ako,I'll help you"bulong nito.











"Kainan na!!!!"sigaw ko kaya naman agad na nagsilapit ang lahat sa mesa na sinet up nila.

"Salamat sa pagkain!"sigaw naming lahat ant nagsimula ng kumain.

Kumuha ako ng inasal at sinigang.

"Wahhh wala paring kupas itong sinigang na luto mo Pia,kalasa na nung niluluto ng papa mo"komento ni Rody.

"Syempre ako pa ba"mayabang na sagot ko.

Aba kung di niyo naitatanong,wala kayo sa papa ko hahaha de biro lang pero masarap talagang magluto si papa lalo na ang sinigang niya da best talaga.

Yan nga lagi ang request nila pag bumibisita sa amin eh kaya nung nag aral kami ng college at nakadorm ay nirequest nila na pag-aralan ko daw ito para maging ulam namin sa dorm.

Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain ng biglang dumating ang boyfriend ni Karen kasama si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Simon Marcos!!

"Hi guys!"bati ni Steven at lumapit kay Karen para halikan ito. Pasintabi naman sa mga single charr.

Nakipagkamay at beso naman ito sa amin dahil kilala narin naman namin siya.

Pinakilala niya rin sa amin si Simon at ako bilang nabighani sa angking kagwapuhan nito ay di ko namalayan na natulala na pala ako kung di lang ako siniko ni Rita.

"A-Ah  s-sorry ha-ha-ha-ha"nauutal na sabi ko at yumuko para di makita ang pamumula ng pisngi ko.

Sino ba namang di matutulala, I mean ang gwapo niya mga sis!!!

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan ko. Tsk mga friends ko ba kayo ha!

"It's okay,I'm Simon Marcos by the way"saad nito at inilahad ang kamay.

"Sophia Isabel Tolentino"nakangiting sagot ko at tinanggap ang kamay niya.Ang lambot ah halatang di pinaghuhugas ng pinggan.

"Ehem,baka gusto niyo ng magbitaw para makakain na tayo"singit ni Rody kaya naman agad kong hinila ang kamay ko.At dahil don mas lalo silang natawa.

Umupo sa tabi ni Karen si Steven,at katabi ko naman si Simon,so  bali ang pwesto  namin ay napapagitnaan kaming dalawa ni Karen at yung apat naman nasa harap namin.

Loving YouWhere stories live. Discover now