Agad na akong hinila ni Sandro palabas sa shop at pinasakay sa kotse.Salubong ang kilay na pumasok ito sa kotse at agad na pinaandar.
Nakita ko kung paano umigting ang panga nito. Mukhang galit.
Yung lalaki naman kasi eh huhuhu.
Teka nga!
Bat galit ba siya,e sya nga tatlong babae pa yung nagpapicture eh nagalit ba ko!
Tss bahala nga siya dyan.
At yun nga hanggang sa makarating kami sa kanila ay di kami nagkikibuan.Mabuti nalang at sinalubong kami ni Simon.
"Oh you're here na,Dad's calling you upstairs Kuya"usal nito kaya naman agad na umalis si Sandro.
Naiwan naman kaming nakatayo ni Simon sa labas.
Kinuha niya yung hawak kong mga cookies at cupcakes at iginaya niya ako sa loob.
"Nag-away ba kayo?"he asked.
"Hindi"
"Really?but he looks mad though"komento niya"Oh mom's waiting you sa kitchen,tara"
Kaya naman sinundan ko siya hanggang sa kitchen nila.
Nadatnan namin si Vinny na kumakain ng cinnamon roll na binili namin kanina.Bilis ah hahaha.
"Hi Pia"bati niya.
"Hi Vinny, Hello din po Maam Liza"nakangiting bati ko.
"Oh hi Iha"sagot niya at agad akong niyakap kaya naman niyakap ko din siya.
"Thanks for the cake pala and call me Tita nalang or better yet Mom na diba"dagdag pa nito at inasar naman ako ng dalawa.
Nakakahiya kay Tita Liza huhuhu.
"Wala po yun tsaka si Sandro din po nagbayad eh ayaw po niyang papagbayarin ako"nahihiyang usal ko.
"What?bat pag sa amin walang libre"nagtatampong usal ni Vinny
"Girlfriend kaba?"asar na tanong niya sa kapatid.
"Nope,but I'm his brother.His cute liitle brother"proud na sagot pa nito.
"You're not little na Vinny, and definitely not cute"asar ni Simon
"That's not true, besides you're the one who said that"
"Then I'll take it back"
"Tama na nga yan, nakakahiya sa future manugang ko"saway ni Tita.
Shocks! Manugang daw,
Pwedeng sumigaw?KYAHHHHHHHH!!!!!!
"What's with the commotion?"sulpot ni Sir BongBong sa kusina.
"Itong dalawa mong anak nag-aaway sa harap ba naman ng manugang natin"-Tita Liza
"Naku tong mga batang to ang kukulit talaga,Pagpasensyahan mo na sila Iha."
"Ayos lang po"nahihiyang usal ko.
Sabihin ba naman na manugang nila ako. Ano ba hahahaha
"Simon, Vinny umakyat na kayo sa taas para makapagstart na tayo and Iha, feel free at home, magvivideo lang kami sa vlog"sambit nito.
"Okay po"
Iniwan muna nila ako doon. Mukhang silang lahat ata yung magvivideo. Inasikaso naman ako ng mga kasama nila sa bahay.
"Ano pong lulutuin niyo?"tanong ko ng makitang nagpeprepare na sila sa kusina.
"Crispy pata, Mechado, at Sinigang po yung pinapaluto ni Maam Liza"paliwanag ni Manang Nelia.
"Ahm pwede po ba akong tumulong"usal ko.
"Nako Maam huwag na po bisita po kayo dito"
"Ayos lang po, tsaka huwag po kayong mag-alala sanay po ako sa kusina.Ako na pong bahala sa Sinigang"
"Sige po Maam, kayo pong bahala"
So yun pinrepare ko na lahat ng ingredients at nagluto na.
I also decided to cook chopseuy para kahit papaano ay may gulay naman.
Tutal marami ding silang stock na vegetables eh."Oh bat ikaw ang nagluluto Iha"usal ni Tita Liza pagpasok niya sa kusina.
"Tinulungan ko lang po sila Tita"
"Naku Maam ayaw paawat,Siya nga po nagluto nitong sinigang at chopseuy"sabi ni Manang.
"hmmm mukhang masarap ah"komento ni Tita "can I taste it?"
Kaya naman pinagsandok ko siya nitong sinigang.
"Hmmm masarap nga! can you teach me how to cook this?"
"Sige po Tita"
"Sige, para mag bonding tayo"nakangiting usal nito.
Ilang saglit lang ay bumaba na silang lahat kasama ang mga staff nila.
Si Tito Bong kasamang kumakain ang mga staff nila sa may veranda nila malapit sa garden.
Umupo naman ako sa tabi ni Tita. Habang yung tatlo nasa harapan namin.Kaharap ko pala si Sandro pero ni minsan ay di niya ko tinapunan ng tingin at seryoso lang na kumakain.
"This sinigang taste good talaga"nakangiting komento ni Tita.
"That's right mom"pagsang-ayon ni Simon "Actually the first time I ate this I think of Sandro cause he likes sinigang"
"And he also likes the one who cooks"gatong na asar ni Vinny at nag-apiran pa talaga sila.
"Tss stop it guys"usal ni Sandro at seryoso paring kumakain.
Anyare dito,Ganon ba siya kagalit at di kayang sumabay sa biro ng mga kapatid.
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot at parang naiiyak na kaya nagpaalam ako saglit na magbanyo baka doon pa ako gumawa. Mas lalong nakakahiya.
Iginaya naman ako ng isa nilang kasambahay papunta sa cr sa taas dahil may gumagamit sa cr nila sa baba.
Pagpasok ko palang ay bumuhos na ang mga luha ko.
Kaasar naman oh!
Napaka emotional ko naman.
Para ganun lang,iniiyakan ko na.Ang sakit lang naman kasi eh,ni hindi niya ko matingnan sa mata. Ni kausapin hindi rin.Parang wala lang ako dito.
Nakakainis ka Sandro!
Patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko ng bigla namang nagdugo ang ilong ko.
Oh God, please huwag naman ngayon.............
Agad kong hinugasan ang ilong ko at tumingin sa taas para tumigil ito sa pagtulo.
Please lang makisama ka naman sa kin oh, huwag muna ngayon......