Tahimik kaming nakarating sa bahay na tinutuluyan namin. Pinakikiramdaman ang isa't isa.
Kahit na magkasama kami ngayon dito sa sala ay ganoon parin siya.
Kapag kinakausap ko siya tipid na sagot lang ang iginagawad. Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung saan ang pinanggagalingan ng pagtrato niya sa akin.
"Mommy what happened to Dada, why he's so quiet po?"tanong ni Charlie anak ko.
Hindi ko talaga siya anak, anak ito ng kapatid ni Lerrie ngunit dahil sa isang insidente ay binawian pareho sila ng buhay kaya naiwan sa puder nito ang pamangkin. Wala pang isang taon noon si Charlie nang nangyari ito, at saksi ako doon.
Dahil nung araw na naaksidente ako, ang mama ni Charlie ang nakakita sa akin sa pangpang. Sila ang nag-alaga sa akin ng panahong nadisgrasya ako.
Batid nila ang mga nangyari sa buhay ko dahil naikwento ko sa kanila ito ng minsang ibinalita ang paghahanap sa akin. Nais nga nila na sabihin ito sa aking pamilya ngunit nakiusap ako na huwag muna. At naiintindihan naman nila ito.
Kaming dalawa narin ni Lerrie ang tumayong magulang ni Charlie kaya naman 'mommy' ang tawag niya sa akin at 'dada' naman kay Lerrie.
Wala namang malisya ito dahil sa edad ng bata ay talagang naghahanap ito ng pagmamahal ng isang magulang ngunit nakakalungkot lang na maaga silang kinuha.
"Maybe he's tired lang anak"sagot ko habang patuloy na hinahaplos ang likod nito.
Nakayakap kasi ito sa akin habang nakaupo sa hita ko.
"Mommy I saw Lola Liza in the tv po kanina" he suddenly uttered.
"Lola Liza?"
"Opo, the one who gave me cookies po yesterday......you know what Mommy they are so kind"
I know anak, mabait talaga sila.
"Even po si Tito Sandro"
Sandro
"How did you know his name?"takhang tanong ko.
"Lola Liza called him Sandro po eh so that's his name, like me you call me Charlie so that's my name too"magiliw na sagot niya kaya naman pinisil ko ang matataba niyang pisngi.
"O sige na at sleep kana"
"okay po mommy, i love you"
"I love you too baby"sabi ko at hinalikan ito sa noo.
Isa rin sa dahilan bakit hindi ko kayang umalis dito ay dahil kay Charlie.
Napamahal na sa akin ang bata at hindi ko ito kayang iwan. Isa siya sa rason bakit naging masaya parin ang buhay ko sa loob ng ilang taong pagtatago.
Nakakatawa lang na nagtatago ako sa kanila pero ako mismo ang lumalapit sa kanila.
Lahat ng mga importang pangyayari sa buhay nila nandoon ako.
Graduation ng kapatid ko, nandoon ako.
Kasal ng kapatid ko, nandoon din ako.
Pagbubukas ng bagong negosyong itinayo ng mga magulang ko nandoon ako.
Kasal nina Borgy at Jaime, nandoon ako kahit din kay Kuya Borgy.
Proclamation sa pagkapanalo niya sa pagiging congressman sa unang distrito ng Ilocos Norte, nandoon ako.
Sa mga kaarawan niya, nandoon din ako.
Kahit kahapon, nandoon din ako.
Ngunit nasa malayo nga lang.
