Nasa room na kami ngayon. After kasi naming kumain ay nagkayayaang magkantahan and inuman,Bonding time kumbaga.
Kasama namin sa room si Karen dahil wala lang gusto niya lang daw hahaha
Kanya kanya kami ngayon ng skin care routine.Syempre kailangan yan para laging maganda ang mga mukha natin diba hahahha.
Nakahiga ngayon yung dalawa,pinapatuyo yung charcoal mask sa mukha nilang samantalang ako ay nag aapply na ng aloe vera moisturizer sa mukha ko.
Eto kasi yung hiyang ko.Si Karen naman nasa veranda kausap ata boyfriend niya. Sana all may boyfriend.
Ilang minuto lang ay sabay na pumasok sa banyo yung dalawa para maghilamos.Sakto naman na pumasok na sa loob ng room si Karen.
"Pia yung bilin ni Kuya Daryl"paalala niya. Pinsan kasi namin si Karen sa Mother side.
"Yup,diko nakalimutan"sabi ko at tumango naman siya.
Napagpasyahan naming magkwentuhan muna.Pinagdikit namin tong dalawang kama para magkasya kami.
Nakasandal kami ngayon ni Karen sa headboard habang yung dalawa nasa may paanan namin nakahiga pero magkakaharap kami. Basta ganun na yon hahaha.
"So san tayo pupunta bukas?"panimula ni Clarence
"San niyo ba gusto?"tanong ni Karen
"Windmills lang naman alam ko dito eh"-Rita
"Yung sa Paoay Church maganda daw don and yung Sta Monica Church din,doon daw kinasal sina Irene Marcos eh tsaka yung pamangkin niya sa Paoay naman"sabi ko
"Alam na alam ah"asar ni Rita
"Ikaw ba namang obsessed na obsessed kay Sandro,pati ata ancestors niya alam mo"dagdag na asar ni Clarence
"Grabe naman kayo,di pa naman umabot sa ganon"kunwaring nagtatampong saad ko.
"Crush na crush mo talaga siya no"-Karen
"Di lang crush,Love na niya talaga.Ginawan pa nga ng story eh"-Clarence
"Paano kung makita mo siya dito anong gagawin mo?"-Karen
Napaisip naman ako.
Ano nga bang gagawin ko pag nakita ko siya?
"Hmmm syempre papapicture para naman may remembrance ako ganon,kasi impossible naman na makausap ko siya ng matagal or makasama diba. So okay na ko sa picture"nakangiting usal ko.
"What if nakasama mo siya tapos medyo nagkaroon ng mutual understanding,niligawan ka.Sasagutin mo?"-Karen
"Oo naman!"agad na sagot ko na ikinatawa namin"Biro lang"bawi ko
"Syempre meron part sa akin na umaasa pero may part din sa akin na nagsasabing impossible gaya nga ng sinasabi niyo"dagdag ko at tinuro si Clarence
"Well hindi ko naman sinisira yang pantasya mo kay Sandro pero ang akin lang you should know the reality,masyadong kang nagpapalamon sa imahinasyon mo. Binasted mo pa nga yung manliligaw mo na ang tagal mong naging crush dahil lang kay Sandro"mahabang lintaya ni Clarence.
Tama siya, binasted ko si Luis na since college ko pang crush dahil lang nagustuhan ko si Sandro. Di ko alam bakit ko yun ginawa.
Basta ang alam ko masaya ako kay Sandro kahit wala naman talaga siyang ginagawa para pasayahin ako.
Pinili ko yung taong mahal ko kesa sa taong mahal ako.
Pinili ko yung taong nakikita ko lang sa social media kesa sa taong nakakasama ko araw-araw.
Hayy buhay,ang gulo ng love.
"Hayaan na natin si Pia dyan."awat ni Karen.
Natutulog na yung tatlo habang ako ay di pa makatulog. Kaya naman napagdesisyonan kong lumabas sa veranda bitbit itong journal ko.
Binuksan ko ito at tumambad ang picture ni Sandro na pinrint ko. Ito yung picture niya na nakatalikod at nakatingin sa dala dala niyang camera habang papalubog ang araw.
Di masyadong halata na siya ito kung hindi mo talaga siya kilala kaya naman pinili ko talaga ito.
Nilipat ko ang pahina para basahin ang mga pinagsusulat ko.
Page 1
Hey Sandro
Ikaw pala yung viral sa ayuda no. Di ko pa mo pinapansin nung dumadaan sa feed ng fb ko. I thought you're a firefighter dahil sa suot mo medyo ganon kasi yung style ng shirt nila.But nevertheless nakilala na kita nung napanood ko yung vlog ng dad mo yung what's inside the box. Akala ko nga bunso ka eh mga nasa 18 ganon pero 27 kana pala hahahah mas matanda kapa sa akin.Ang liit mo!char pero ang cute at gwapo mo. May secret ako.
I have a little crush on you hahahha.
Love Sophia
Napangiti naman ako sa binasa ko.And I remember that day,It was October 15,2021.
Page 2
Hey Sandro
I watch some of your tiktok compilations sa youtube and guess what?kinikilig ako!!!!! Nagalit nga si Kuya eh kasi nagpapahinga siya tas ang ingay ko daw but who cares diba hahaha Masaya ako and I hope ikaw din.Love Sophia
Page 5
Hey Sandro
Andami ng videos mo sa tiktok grabe ka mahal ah hahahha.Nakita ko din yung mga videos mo while nagddj ka even yung sport na polo. I don't know kung ikaw yon but the fact na kasama ka sa club, ang astig.Matalino,Mabait, matulungin,mapagmahal na anak, gwapo, mayaman, ano pa bang kulang sayo Sandro halos kinuha mo na lahat ata eh,ayy hindi sa height pala kinulang ka charrr love you mahal hahahaLove Sophia
Page 8
Hey Sandro
Andami ng nagpapapicture sayo ah,Artista yarn hahahaha Gwapo mo kasi kaya andaming nahuhumaling sayo. Hinay hinay lang ah baka ikaw ng isabit namin sa windmill hahahaKailan kaya ako naman ang makakasama mo sa picture?
Love Sophia
Page 9
Hey Sandro
And sakit nung comment mo ah. "Ang Ganda mo" sabagay maganda naman talaga siya sexy pa. Kaya pala pagbukas ko palang sa tiktok yan na agad ang bumungad. Marami ding nagsisulputang mga babae na friends mo na inaakala nilang naging girlfriend mo.Ilan na kaya naging gf mo no,ang swerte siguro nila.
Sana all nalang talaga.Love Sophia
Page 11
Hey Sandro
Natatawa ako don sa inedit nila hahahaha ginawa ka ba namang babae, even your brothers too. At ang Ganda niyo like what the hell ang unfair!!!! Kidding aside ang cute mo sa reaction mo sa live niyo ni Pops hahahahPambansang Pops talaga siya and you are the Pambansang asawa hahahaha
Love Sophia
Page 14
Hey Sandro
Can I see you?Can I talk to you, cause I badly need someone right now.Love Sophia
I closed my journal and take a deep breathe.
I never realized na nagsimula na ring magtubig ang mga mata ko kaya naman tumingala ako para di tumulo kaso napakatraydor ng mga luha eh,tumulo parin haahhaha.
I really wanted to see you Sandro and I don't know why.
But for now...........I'll just look at the stars, cause I know you're the same as them,and the only thing that I can do............. is to watch you from a far.
