Chapter 8 (Flashback)

776 30 4
                                    


"Hay bat kaya paulyan daka ta Ilocos"(Hay bakit kaya pinapauwi tayo sa Ilocos)tanong ng kapatid ko.

Nakasakay kami ngayon sa bus dahil pinauuwi kami sa Ilocos ng Lola ko para magbakasyon.

Hindi naman sa ayaw namin pero matagal na kasi kaming di nakakauwi,tapos kami lang magkakapatid ngayon dahil sina Mama at Papa ay may trabaho pa kaya eto kami lang tatlo.

After ng ilang oras ng byahe ay nakarating din kami sa Sarrat kung saan lumaki ang mama ko.Sinundo kami ng nga pinsan ko sa terminal.

"Pia,Joyce, Chay, musta kayo?"sabi ng pinsan kong si ate mika na yumakap sa amin.

"Ayos lang ate"sagot ko.

"Osya tara na at hinihintay na kayo doon"sabi nito at tinulungan kaming isakay ang mga dala naming gamit.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay at sinalubong naman kami ng yakap ni lola at ng mga tao doon.

Habang kumakain ay nagtatanong lang sila sa mga buhay buhay namin dahil nga di rin kami ganon nagkakamustahan.

"La, pwede ba kaming pumunta  sa dagat ngayon?"tanong ni Chuchay.

"Sige apo,pasama kayo sa mga pinsan niyo dyaan"sabi ni Lola kaya naman agad na kaming nagpalit ng komportableng damit.

Sinabihan narin pala ni Lola ang nga pinsan namin doon kaya naghahanda sila ng nga pagkain na dadalhin namin.

Tinulungan ko silang mag ayos at nung ayos na ay dumeretso na kami sa dagat. Walking distance lang naman kaya agad kaming nakarating doon.

Nagsimula ng magtampisaw ang mga kapatid ko at ang ilan sa mga pinsan ko.

Naiwan naman ako dito sa may batuhan para bantayan yung mga ilan sa gamit namin.Wala din naman ako sa mood na maligo.Di kasi ako sanay sa tubig alat.

Pinipicturan kolang sila para may maipadala kina mama ng biglang may lumapit na aso sa mga pagkain namin.

"Uyy,istuna!"(Uyy,tama na)pagtataboy ko sa aso pero patuloy parin sa pagkain sa sandwich na hinanda ko kanina.

Hala pano yan,pagkain namin yan eh.
Tong asong to ohh.

"Hey tequilla stop!"sigaw ng isang binatilyo at hinila ang aso niya.

"I'm sorry Miss,he suddenly run out of his cage"paghingi ng paumanhin nito.

"Okay lang,pero next time itali mong maigi okaya check mo yung kulungan niya para di makawala"sabi ko at inayos yung mga ginulo ng aso.

Di paman sila nakakalayo ay tinawag ko ito at inabot ko naman sa lalaki yung tupperware ng sandwich.

"Mukhang gusto nya nito,ipakain mo na sa kanya"sabi ko pero nakatungin lang siya sa akin.

May dumi bako sa mukha?

"Hoy!"sigaw ko na nakapagpabalik sa ulirat niya.

"I-I'm s-sorry,what did you say?"pagtatanong niya ulit.

Ano ba yan. Ulit ulit.

"Ang sabi ko ipakain mo na to sa aso mo,mukhang gusto naman niya"sabay abot sa tupperware.

"Ah okay,thanks"sabi nito at tinanggap naman.

Pabalik na sana ako sa pwesto ko kanina ng bigla niya kong tinawag.

"Hey!"

"Ano?"walang ganang sagot ko.

"I'm Sandro, Sandro Marcos,and you?"pagpapakilala niya.

"Sophia Torres"

Kinagabihan ay nagluto ng mga ibat ibang ulam sina lola.Fried chicken, Tinola, Nilagang alimango, Hipon at kung ano ano pa. Nagkakasiyahan ang lahat.

Ganito talaga dito kahit walang bisita,sama sama silang kumakain kaya parang laging may party eh,di katulad sa Pampanga.

Busy lahat sa trabaho. Ni minsan nga di na kami sabay sabay kumain eh. Wala naring time para mamasyal kaya dito lang kami nakakapamasyal.

"Ninuy tang lalaki nandin"(sino yung lalaki kanina)tanong ni Joyce.

"Ninu?"(Sino?)

"Itang ketang dagat, itang atin dadalan asu"(Yung sa dagat, yung may dalang aso)

"Ah akalingwan ke lagyu"(Ah nakalimutan ko na pangalan)sabi ko,e sa nakalimutan ko eh.Ako lang ba yung ganon,yung nagpakilala sila pero agad nakakalimutan ang name.

"Pogi ya ah"(Gwapo siya ah)panunukso  pa niya.

"Oh tapos"pabalang na sagot ko.

"Ala naman"(wala naman)panunukso parin niya.

Diko nalang siya pinansin at nagbasa basa nalang sa cellphone ko.

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ni lola dahil may pupuntahan daw kami.

Maaga kaming nagising pero 11 din kami aalis.Puyat pamo ako dahil naaliw ako sa pagbabasa kagabi kaya alas tres nalang ng madaling araw ako nakatulog.

Nakasuot ako ng red off shoulder dress na above the knee, at pinarisan ko ng white korean style shoes.

Well no choice,magpopolo shirt sana ako kaso sabi nila semi formal eh eto lang yung dalang damit na hiniram ko pa sa kapatid ko.Actually andami niyang dalang damit pero eto nalang sinuot ko dahil eto lang yung di masyadong maliit at showy.

Di rin naman ako sanay sa mga sandals sandals nayan at baka matapilok pako,mabuti nalang at bumabagay naman.

Naglagay lang ako ng clip at kinurly ng konti ang buhok ko para medyo wavy na tingnan.

Konting polbo at liptint at huwag kakalimutan ang pabango and viola tapos na hahahaha. Di naman kasi ako fashionista like ng mga kapatid ko na akala mo ay pupunta sa isang award show dahil sa suot nila ngayon.

"bat antiyan naman ing susulud yu,kalati"(bat ganyan naman suot niyo, ang liit)asik ko.

Yuyuko lang ata ang mga to kita na singgit eh!

"Style to Ate"depensa ni Chuchay habang inaasyos pa ang buhok.

"Kaya pin,tsaka ikarin naman ah"(Oo nga,ikaw din naman ah"-Joyce

"Syempre keka ya ini!tsaka di naman ganyan kaliit katulad sa inyo!"(Syempre sayo to!)asik ko at natawa lang ang dalawa.

Di naman talaga maliit pero di lang ako sanay. Halos nga lahat ng short ko ay pang basketball eh o kahit ano basta below the knee.

Oversize shirt din madalas kong bilhin.Pero syempre nagsusuot din ako ng mga dresses pag may occasion,kaso di ako nakapagdala ngayon dahil di kami na inform!

"Ang ganda ng apo ko ah, nagmana sa lola"sabi ni lola ng makababa na kami sa hagdan.

"Thank you po"nahihiyang sabi ko.

"Teka, isuot mo ito"sabay abot sa akin ng isang box na maliit.Binuksan ko naman ito at tumambad sa akin ang isang kwintas na hugis puso, na kung saan nakaburda ang pangalan ko.Simple lang ang design pero napakaganda.

"Regalo ko iyan sa debut mo pero nakalimutan kong ibigay"sabi ni lola at isinuot sa akin yung kwintas.

"Thank you po La"sabi ko at niyakap siya.

"O tama na ang drama ng maglola at hinihintay na tayo doon"sabi ni Tita Lorie kaya naman natawa kami at sumunod na sa kanya.

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Tita Lorie kasama si nanay at si Joven,anak ni Tita, at kaming tatlo. Yung iba naming pinsan at kasama ay nakasakay naman sa van.

"Lola san ba tayo pupunta?"tanong no Chuchay.

"Sa mga Marcos, birthday kasi ni Imee"sagot nito.

Marcos

Parang familiar, san ko nga ba narinig yon.

Loving YouWhere stories live. Discover now