Chapter 24

535 27 4
                                    


A/n:Nasa present time na po tayo dito.
For clariffication po.




Hanggang ngayon iniisip ko parin ang pagtawag ni Sandro ulit sa akin nung isang araw.

Bigla bigla nalang nagpapakita at tatawag after how many years.
Parang walang ginawang mali ah hahaha.

Diba eto yung gusto mo Pia, ang bumalik siya......ang malaman ang dahilan niya........pero bakit inaayawan mo?

"Lalim ng iniisip natin ah"sabi ni Karen at umupo sa harapan ko.

Nasa coffee shop kami ngayon na pagmamay-ari niya. Naisipan ko lang bumisita.

"wala to"tugon ko at kumain sa cake na dinala niya.

"Si Sandro ba?"napatigil naman ako sa pagkain dahil sa sinabi niya."Confirm, so bakit nga?"

"tumawag siya sa akin nung isang araw"pagsisimula ko.

"tapos?"

"syempre nagulat ako kaya tinanong ko kung anong kailangan niya"

"Then?"may pagkamarites din tong isang to eh

"Sabi niya ako"nahihiyang usal ko. Bigla naman siyang nagtitili sa loob mabuti nalang at konti pa lang ang customer.

"Owmygosh!!kakilig ah,balikan mo na nga!"sigaw pa niya sabay hampas pa sa akin.

"gaga!dahil lang don babalikan ko!ano yon pag gustong iwan,iiwanan tas pag gustong balikan, babalikan, ano ako laruan!"asik ko.

"To naman di mabiro"usal niya."Pero kung ako sayo kausapin mo na, I mean hindi naman sa sinasabi kong balikan mo siya kundi para sa closure para naman malinawan ka"

Tama siya, wala nga kaming closure. Bigla na lang kasing umalis. Kung alam ko lang na iiwanan niya ko nung araw na yon sana di nalang ako natulog.

Ilang oras din kaming nagchikahan don. Bumili narin ako ng ibang supplies na kailangan sa bahay kaya talagang natagalan ako.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang dalawa kong kapatid. Nagleave kasi itong si Joyce for one week sa trabaho habang si Papa naman ay next month pa makakauwi dahil may out of town meeting sila na dadaluhan.

"Ate paulyan da katamu Ilocos Lola"(Ate pinapauwi tayo sa Ilocos ni Lola)bungad na sabi ni Precious.

"Bakit kanu?"(Bakit daw?)tanong ko.

"Hello,birthday kaya ni Lola"sabi naman ni Joyce. Wow ah tagalog porke sa Manila na nakatira hahaha.

"eba pwedeng ikayunamo"(diba pwedeng kayo nalang)

"Nope,sabi ni Lola tayong lahat"-Joyce

No choice kailangan ko ulit bumalik sa Ilocos. After kasi ng nangyari ay di nako ulit pumunta doon. Nito lang nakaraan dahil nga sa seminar.

Kung tutuusin wala namang kinalaman doon sina Lola sa pag-iwan sa akin ni Sandro pero ewan ko ba ayaw ko ng tumuntong ulit sa lugar na yon. Kung di lang dahil sa trabaho ko ay di ako pupunta doon nung nakaraan eh.

Sina Lola naiintindihan naman daw nila kaya di sila galit sa akin.



Kinabukasan ay nagbabyahe na kami ngayon pauwi sa Ilocos Norte. Ako ang nagdadrive samantalang yung dalawa nasa likod. Talagang ginawa akong driver no!

"Ate kumusta na kayo ni kuya Sandro?"tanong ni Joyce.

"Wala,kailangan ko pa ba siyang kamustahin"pabalang na sagot ko.

Loving YouWhere stories live. Discover now