"Can I fetch you tomorrow?"tanong niya. Magkahawak kamay kami ngayon na naglalakad pabalik sa bahay. Nag-insist kasi siya na ihatid ako kaya naman di na ako tumanggi pa."Bakit?"
"Nothing,I just want to invite you for a date"nakangiting usal niya.
"Hmmm pagpaalam mo ko kay Lola"sabi ko. Bigla namang nawala ang ngiti niya at napatigil sa paglalakad.
"Ayos ka lang ba?bat ka tumigil?"
"A-ah wa-wala" sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Tahimik lang kami pero di naman ganon ka awkward ang atmosphere.
Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa harap ng gate namin.
"Di kaba papasok?"tanong ko.
"H-ha?"
"Diba pagpapaalam mo pa ko kay Lola"
"A-ah y-yeah, tara"
Pumasok na kami sa loob at nadatnan naman namin si Ate Jian na nakaupo sa sala. At nung makita kami ay nakapameywang na masama ang tingin kay Sandro.
"Anong ginagawa mo dito ha!"sigaw nito. Nagulat naman kaming dalawa.
"A-ate"usal ko.
"bakit kasama mo yang cheater na yan!"duro pa niya kay Sandro.
Mukhang nagets naman ni Sandro ang pinanghuhugutan ni Ate Jian kaya humingi ito ng paumanhin.
"I'm sorry if I did something bad,but I already explained my side to Sophia"paliwanag nito.
"Totoo ba yon?"pagbabaling ng atensyon niya sa akin.
"Oo ate,pinaliwanag na niya at ano bati narin kami"sabi ko.
Bumuntong hininga naman siya."Osya kung naayos no nya yan hindi nako mangingialam......Pero Sandro sinasabi ko sayo....minsan pang paiyakin mo tong pinsan ko humanda ka sakin"pagbabanta pa niya.
"I can't promise na hindi siya iiyak,but I'll do everything to make her happy"nakangiting usal niya pa habang nakatingin sa akin. Ginantihan ko rin ang ngiti niya.
"Oo na oo na huwag na kayong magpainggit dito"usal nito kaya naman natawa kaming dalawa.
"Ate si Lola pala?"tanong ko.
"Nandoon sa likod"
"sige puntahan lang namin"sabi ko.
Dumiretcho naman kami sa likod ng bahay at nadatnan naming nagbabasa ito ng libro.Agad naman akong lumapit.
"Lola"pagtatawag ko ng atensyon niya.
"Oh apo nandito kana pala.........Sandro?anong sadya mo dito?"tanong niya ng mapansin ito sa gilid.
"Ahmm good afternoon po"magalang na bati ni Sandro at nagmano pa.
"Good afternoon din iho, ano palang sadya mo?"tanong ulit nito.
"I just want to ask for permission po to date your grandaughter"seryosong saad nito.
"Gusto mo ba apo?"baling ni Lola sa akin.
"P-po? Ahmm opo"nahihiyang usal ko.
"Basta alagaan mo itong apo ko Sandro"nakangiting sagit ni Lola.
"I will po"nakangiti ring usal niya at tumingin sa akin.
"Ang mabuti pa ay dito kana maghapunan"yaya ni Lola kaya naman ngayon ay kasama naming kumakain si Sandro.
Habang nasa hapag-kainan ay di mawawala ang mapanuksong tingin ng mga kapatid ko at ng mga pinsan ko.
"Kuya Sandro ano palang sadya mo dito?"pambabasag ng katahimikan ni Joyce.
"Pinagpaalm ko lang ang ate niyo"- Sandro
"Para?"-Joyce
"Date"
"Ahhh date"mapanuksong turan oa nito. Pinanlakihan ko naman siya ng mata pero tumawa lang ito.Pasaway talaga.
"I'll fetch you at 8 am ah"sabi nito paglabas namin ng bahay.Hinatid ko kasi siya hanggang dito sa gate at nagpasundo sa driver nila.
"sige"sabi ko.
"Goodnight love"
"Goodnight"sagot ko at hinigit nya ako para yakapin.
"I love you,always remember that"bulong nito.
"Ako din......osya sumakay ka na don at ng makauwi kana"sabi ko.
"Pinapauwi mo na ko?ayaw mo na ba sa kin?"malungkot na usal niya.
"Sira"natatawang sabu ko sabay palo pa sa braso niya.
"Just kidding Hahaha.....bye love"
"bye"
Sinara ko narin yung gate pagkaalis nila at pagpasok ko sa bahay ay nakaabang na ang lima.
"kayo na ba ni Sandro?"tanong ni ate mika.
Kami na ba?
Well sabi niya boyfriend ko na daw siya eh.
"Opo"
"Ang bilis!"sigaw nilang lahat na nagpagulat sa akin.
"alam na ba to ni lola?"-Ate Jian.
"opo,pinaalam ni Sandro kanina.Sorry kung parang ang bilis"nahihiyang turan ko.
"ano kaba! Ayos lang yon no tsaka halata naman na gusto ka niya"-Ate Alex.
"Kaya nga, grabe kung magselos kay kuya vinny"-Joyce
"selos?"tanong ko.
"oo ate,di mo ba pansin laging ang sama ng tingin sa inyong dalawa ni kuya vinny,tsaka alam mo ba nung isang araw tinanong pako kung may jowa ka na daw kasi lagi kang tumatawa habang may kausap sa phone"dagdag pa nito.
Napansin ko nga din yon pero diko masyadong inisip dahil baka wala lang talaga siya sa mood non.
"Basta huwag kalang niyang saktan o paiyakin ulit ah"paalala ni ate jian.
"opo"sagot ko.
Nakahiga na ako ngayon habang nagscroll lang sa Ig ng biglang may nagnotif.
Sandromarcos7 started following you
Sandromarcos7 tagged you
Finollow back ko naman si Sandro at tiningnan yung tinag niya sa akin.
Nakita ko ang picture ng isang babae na may pinupulot sa dalampasigan.
Ako yon, I think eto yung time na kumukuha ako ng mga shells.
Medyo malayo ang kuha kaya di kita ang mukha ko.Pero alam kong ako yun,syempre katawan ko yun eh.Char hahaha.Hineart ko naman ito.
Ilang segundo lang ay nagring ang phone ko.
"hello?"
"Hi love!"
"Sandro?"
"Yup!"
"Teka,how did you get my number?"tanong ko.
"Your sisters"sagot niya.Napasapo naman ako sa noo.Talagang binubugaw ako ng mga kapatid ko ah.
"bat di ka pa natutulog"tanong ko.
"I can't sleep eh"
"why?"
"Cause I think of you"kinilig naman ako doon pero diko pinahalata.
"I saw your post on Ig"pag-iiba ko ng topic.
"yeah,hineart mo nga eh"
"Natural,ako yun eh!"asik ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/294376092-288-k618066.jpg)