Chapter 35

522 25 4
                                    


Pabyahe kami ngayon ni Charlie pauwi sa Pampanga.

Nung isang araw ay nagpakita na ako kina Lola at sa mga pinsan ko dito sa Ilocos. Lahat sila hindi makapaniwala, sinabi ko din ang lahat at tanggap naman nila ito.

Masaya sila na nakaligtas ako sa trahedyang naganap sa akin. Nagsorry rin sila kahit na wala naman talaga silang dapat ihingi ng tawad.

Inupdate din ako nina Jaime na alam na ng mga Marcos, even Mama Meldy and they are happy.

Except kay Sandro dahil gusto ko  ako mismo ang magsabi nito sa kanya. Pero bago ko harapin si Sandro ay nais ko munang unahin ang pamilya ko. Bago kasi nangyari ito may mga masasakit na salita akong binitawan lalo na sa mama ko.

Actually pinili ko ang araw na ito dahil kaarawan ngayon ni Mama and I know kumpleto sila ngayon. Well makukumpleto talaga dahil parating na ako.

"Mommy where are we going po?"tanong ni Charlie.

"Were going to mommy's house in Pampanga"

"Really! So I will meet my other lola and lolo too?"

"Opo, so behave ka doon ah"

"yes po mommy!"

Ilang oras din ang naging byahe at nakarating na kami sa bahay. Pinagmasdan ko muna ito. Marami na ang nagbago.

Napalitan na ng kulay, at ang garden naging mabulaklak ulit. Kung dati ay isa lang ang nakapark na sasakyan ngayon ay tatlo na, mas lumawak din ito dahil mukhang nabili ang katabing lote kaya mas lumaki ang bahay. Di ko maiwasan ang maiyak sa tuwa.

Bigla namang bumukas ang gate.

"A-Anak?"

"P-Papa"

"Anak ko, ikaw nga"agad naman akong niyakap ni papa na ginawaran ko rin ng mahigpit na yakap.

Naramdaman ko rin na nagsilabasan ang mga  tao sa loob at nakita ko nalang ang sarili ko na yakap yakap nilang lahat.

Nandito na kaming lahat sa loob. Kumpleto kami, nandito ang ilan sa mga pinsan ko pati sina Mamita.

Pinaliwanag ko rin ang lahat sa kanila at katulad ng iba ay tinanggap nila ako.Humingi din sila ng sorry lalo na si mama.

"Ayos lang yon Ma napatawad na kita,Patawarin mo rin ako sa mga nasabi ko noon sa yo, di ko sinasadya yon Ma"umiiyak  na usal at agad na pinunasan ni mama.

"Wala yon anak kalimutan na natin iyon"nakangiting usal niya at niyakap ako kaya naman niyakap ko rin siya.

Para akong isang bata na nakayapos sa aking mama.

"Teka nasaan pala yung asawa mo?"tanong ko sa kapatid kong si Joyce

"Paano mo nalaman?"takhang tanong niya.

"Nandoon kaya ako ng kasal mo"

"Really?!"sigaw niya, OA ah

"Oo, medyo maganda ka non infairness ah"biro ko.

"Maganda naman talaga ako no"asik niya.Tsk pagbigyan na buntis eh

"Mommy I want to pee po"usal ni Charlie ng makalapit sa akin. Tatayo na sana ako ng biglang pinigilan ako ni Papa.

"Ako na"sabi nito at binuhat si Charlie"Lolo will help you apo"dagdag pa nito.

Pinagmasdan naming pumanik sila sa taas dahil nandoon ang isang banyo.

"Nagpapractice na si Papa ah hahaha"biro ni Precious na ikinatawa namin.

"Ilang araw pala kayo dito?"tanong ni mama

Loving YouWhere stories live. Discover now