Part 2- Chapter 44

278 12 4
                                    

Halos dalawang oras din kami doon tapos napagdesisyonan naming mamili ng mga souveniers pampasalubong.

After non ng nakaramdam na ng gutom ay kumain kami sa isang floating resto.Lampas ala una narin naman kasi kaya gutom na.

May mga lobsters, crab, tahong, pusit, may fish like tilapia and bangus. Grilled pork and chicken at ensalada, may mga boiled vegetables din.

"Guys after nito deretso tayo sa Church ah yung sa Sta. Monica may mass kasi ata ngayon doon and para narin mabisita natin yung beach house"sabi ni Karen

"Sige"

Nang makaramdam na ng kabusugan ay naghugas na ako ng kamay.

Medyo konti nalang nakain ko dahil kumain din kasi ako ng empanadang Ilocos nung may nadaaanan kami kanina. Naka dalawa ako eh ang laki non kaya naman talagang nabusog ako.

"About pala doon sa ramen shop na ipapatayo natin Pia,nakausap ko na si Steven and he said na siya na daw bahala sa pagkuha ng business permit natin and may kakilala din daw siya magsusupply ng mga goods, bale sa construction ng place nalang ang problem natin.Tapos ko na din naman yung design"saad ni Karen

"Ako ng bahala sa construction,My team can handle it. Patapos narin naman kami sa isang project namin sa Manila"usal ni Danilo.Engineer kasi siya and may Construction Company ang family nila.

"Sige, I'll just send nalang yung design"Karen

"Libre ba"asar ko kay Danilo

"Hindi,walang kaibi-kaibigan pagdating sa negosyo"giit nito na ikinatawa namin . Hahahha business minded ka gurl.

Mukhang maayos na lahat so bali tutulong nalang ako sa mga ibang supplies and syempre sa gastos.

Alas kwatro na ng makarating kami sa Sta.Monica Church.

Di gaanong marami ang nagsisimba siguro nataon na weekdays.Halos matatanda ang nasa loob.

Halos umabot din ng lampas isang oras ang misa. Naglibot din kami doon kahit papaano.

Napansin ko naman na may pwesto kung saan pwede kang magtirik ng kandila at mag-alay ng dasal kaya naman niyaya ko sila doon.

Kanya kanya kaming sindi ng kandila at yumuko  para manalangin.

Lord, Sopan muku,ali kupa bisa...............Pero ika ng bala kanaku.











"Welcome to our beach house!"masiglang sigaw ni Karen pagkababa namin sa van.

Maaliwalas at napakaganda ng disenyo ng bahay.Kung sabagay kilalang architecture si Karen.

Marami ngang kilalang tao at mayayaman ang nagpapadisenyo sa kanya dahil sa ganda at unique ang mga design niya. So syempre sarili bang bahay niya di niya gagandahan diba.

It's a two storey beach house na may indoor pool na tanaw ang beach.

Sa taas ay may veranda at dalawang kwarto.At sa baba ang sala,kusina,banyo dining area. Halos mga interiors nalang pala ang kulang at pwede ng matirhan.

Kung hindi ako nagkakamali ay eto yung gift ni Karen sa sarili niya.

She really likes the view of the beach lalo na kapag lumulubog ang araw. Even me din naman kaya nung last birthday ko ay niregaluhan niya ako ng isang painting ng sunset na siya mismo ang nagpinta.

Dahil sa may place naman kaming mapagpapahingahan ay nagpasya silang dito muna kami magpalipas ng gabi.

At dahil walang stock na food ay bumili muna sila sa isang wet market malapit dito. Magluluto nalang daw kami.

Kami lang dalawa ni Karen ang naiwan.

Pareho kaming nakaupo ngayon dito sa hammock chair sa veranda.

Sakto papalubog na ang araw kaya naman kinuha ko ang phone ko para icapture ito.

Napakaganda

"wala ka bang balak sabihin sa kanila"biglang tanong ni Karen na nagpaseryoso sa mukha ko.

"Wala"

"Bakit?"

"Kasi ayoko silang masaktan"

"And sa tingin mo di sila masasaktan pag bigla ka nalang-"

"Huwag na nating pag-usapan yan,huwag na"pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Bakit ba kasi di mo nalang sundin ang sinabi ni Kuya Daryl,malay mo naman diba."pagmamatigas niya.

"Para saan pa,ganun din naman ang patutunguhan"

"alam mo ang tigas talaga ng ulo mo,bahala ka nga dyan!"asik nito at pumasok sa loob.

Napabuntong hininga naman ako.

Selfish ba ako?

Selfish ba na matatawag pag ayaw mong sabihin sa kanila ang totoo dahil takot kang makita silang masaktan.

Kung oo, sigura nga selfish ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lunakad papunta sa dagat.

Malamig ang simoy ng hangin dahil sa papagabi na nga.Tunog na lang ng alon ng dagat ang namamayani sa buong paligid.Wala naring mga bata ang nagtatampisaw. Tahimik, napakatahimik.


Loving YouWhere stories live. Discover now