Part 2- Chapter 52

284 14 1
                                        


Para naman akong tuod na naestatwa sa nangyari.

Gagi naman kasi kung bumanat itong si Sandro eh!

Mamamatay ata ako sa kilig at hindi sa sakit ko eh!!

Pero mas bet ko yon atleast mamamatay akong masaya.

"Ha?A-Ano m-may ga-gagawin p-papala ako hahaha"nauutal na usal ko at agad na iniwan siya.

Narinig ko naman ang pang-aasar nila.

Mga Sira!!



Agad akong pumasok sa kitchen para uminom ng tubig.

Medyo nainitan ako at nauhaw sa mga nangyari.

Ano ba yan andami kong naiimagine sa kanya. Mga pwede naming mapag-usapan if ever na makita ko siya.
Pero eto ako pinangungunahan ng hiya.

Hello gurl andyan na si Sandro oh!!

"Kanina mo pa ako iniiwasan"nagulat naman ako ng may bumulong sa tabi ko.

"AYPALAKA! SANDRO!"

"Ang gwapo ko namang palaka"ngising sagot niya.

Ayy di lang pala siya mahangin doon sa karakter niya sa kwento ko kung hindi pati sa totoong buhay.

Kung sabagay gwapo naman kasi talaga siya eh.Kaya nga andaming patay na patay sa kanya.

"Tss yabang"kunwaring galit galitan na komento ko pero ang totoo ay kanina ko pa gustong magtatalon sa kilig!

Akmang aalis na ako don ng hawakan niya ang kamay ko.

"Hey,are you mad at me?"nag-aalalang tanong niya.

"Hindi,ano lang kasi-"di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"Then why?I think you don't like me siguro"malungkot na usal niya at naka pout pa!

Sira ba to?bat nagpapacute ngayon to!

Kung alam mo lang Sandro!

"Uyy hindi ah gusto kaya kita!"

"Talaga?!so we feel the same pala"nakangising usal niya "I like you too"

Late ko ng narealize ang lumabas sa bibig ko.

The hell!!!!

Umamin ako!!!

Pero wait,sabi niya we feel the same daw. Na he likes me too.

So ibig sabihin
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
May gusto siya sa akin!







Ang bilis!!!!!!







"Huy kanina kapa tulala dyan"usal ni Karen ng lumapit siya sa akin sa bench kung saan ako nakaupo.

Gabi na kaya naman nagpeprepare na sila ng foods namin.

Di na nila ako pinagluto kasi ako na daw nagluto kanina kaya ayan nakaupo lang ako habang tinatanaw ang mga boys na nag-iihaw.Mostly kay Sandro hahaha.

"Wala may iniisip lang"sagot ko.

"Ano ng score niyo ni Sandro"

"Ha?"takhang tanong ko at tiningnan ito.

"Aysus,narinig ko yung kanina"asar niya.

Ang alin?

"Gusto kaya kita...... I like you too"panggagaya pa niya sa boses namin.

"Narinig mo!"gulat na sabi ko.

"Syempre, ako pa ba"nandyan parin ang mapang-asar na ngiti  niya."So kayo na?"

Napaisip naman ako, Kami ba?

I mean umamin ako, umamin siya pero like lang naman di naman love.

So,

"Di ko alam"

"Bat di mo tanungin"

"Huwag na masaya na ako sa ganito.Atleast nakasama ko siya diba before ako mama-"

"Yan nanaman tayo eh!"asik niya.

"Yun din naman kasi ang hantong ko"

"Alam mo sabihin ko kaya kay Sandro yan,baka pag siya yung nagconvince sayo baka pumayag kang magpa-chemo"usal niya.

"Yan ang huwag mong gagawin"seryosong usal ko.

"So wala karing balak sabihin sa kanya"di makapaniwalang usal niya.

"Oo"

"Gaga kaba!"sa galit ay napalakas ang sabi niya na mukhang narinig ng lahat.

"Nag-aaway ba kayo?"tanong ni Clarence ng lumapit sila sa amin.

"Hindi"sagot ko.

"Tss tawagin niyo nalang ako kung kakain na" malamig na usal ni Karen at iniwan kami doon.

Napabuntong hininga naman ako.

Nakita ko silang nag-aalalang nakatingin sa akin. Lalo na si Sandro na akmang lalapitan ako ngunit agad akong tumayo.

"Magpapahangin lang ako"nakangiting usal ko at iniwan na din sila bago pa sila magtanong ng kung ano-ano.








Hinayaan kong humampas ang tubig dagat sa paa ko.

Napakalamig.

Napakapayapa.

Pero di nito mapapawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Buhay pa ko pero eto na ang reaksiyon ni Karen paano pa kaya pag nalaman nila.

Paano pa kaya pag wala na ako.........




Loving YouWhere stories live. Discover now