"How are you?"tanong niya. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya pero nanatili lang kami doon kung saan siya nag park.
"Okay lang" yan naman lagi nating sinasabi diba, okay lang kahit hindi naman.
"If you want,I can asked dad to find your mom"
"Huwag na,siya yung kusang umalis so bakit hahanapin pa natin diba"pilit na ngiting sabi ko.
"If that's what you want I won't forced you, but always remember that I'm always here"malambing na sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at hinalikan ang aking noo.
"Thanks love"
Nandito na kami sa bahay.
"Where's your dad and your sisters pala?"tanong nito ng pagkababa ko galing sa taas.
"Si papa nasa Manila nagtatrabaho doon, yung dalawa naman na kina Mamita" paliwanag ko.
Dumeretso naman ako sa kusina para makapagluto na ng hapunan namin dahil malapit narin namang mag gabi.
Napagdesisyonan kong magluto ng sinigang na manok. Favorite din naman niya yon.
Habang nagluluto ay naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa akin.
"I miss you"malambing na sabi nito at siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg habang dinadampian ito ng maliliit na halik.
"I miss you too"sagot ko. Nanatili lang kaming ganoon. Bahala siyang mangalay kakatayo hahaha.
"can I taste it"sabi niya.Kaya naman kumuha ako ng konting sabaw at hinipan ito dahil medyo mainit pa at baka mapaso ang dila nito.
"Oh"sabi ko sabay tutok sa kanya doon sa sandok.Agad naman siyang lumapit, pero hindi sa sandok kundi sa akin para halikan ako sa labi.
Muntik ko na ngang matapon itong hawak ko buti nalang ay agad niya itong nahawakan kanina bago niya ako halikan.
Napakahilig naman sa kiss hahahha. As if hindi ko gusto no hahaha.
Smack lang naman yung kiss, huwag kayong ano dyan hahaha.After non ay tinikman na niya yung sabay.
"Masarap nga"nakangising usal niya.
"Tss ewan ko sayo"kunwari galit pero deep inside kinikilig ako.
Inayos naman niya yung table. Kaya naman nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan lang kami.
Like nung araw nga na umalis ako,nag-alala siya ng lubos lalo na't di niya ako macontact mabuti nalang at yung kapatid ko ang nagsabi sa kanila.
Pupunta dapat siya dito non kaso may inasikaso naman siya kaya di natuloy. Naiintindihan ko naman yon kaya di ako nagalit, besides may kanya kanya parin naman kaming buhay.
Siya na rin palang nagpresintang maghugas ng pinaglutuan.
Sipag yarn hahahaha.
"Maligo ka na muna doon"sabi ko sakanya sabay abot ng damit ni Papa.
Habang kasing naghuhugas ay natabig niya yung palanggana na may lamang tubig kaya ayon parang nagswimming siya.
"Kanino to?"tanong niya sabay turo sa damit.
"Kay papa yan"sagot ko "Wait kasya mo ba?"pang-aasar ko. Medyo matangkad kasi si papa at malaki compare kay Sandro.
Tiningnan naman niya ako ng masama at dumiretso sa banyo kaya naman natawa ako hahaha.
Parang bata talaga hahahaha.
Nandito kami ngayon sa sala. Nanood siya sa tv habang ako ay gumagawa ng lesson plan ko for tomorrow.
Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay lumapit ako sa kanya pero nakatulog na pala ito.
Dahan dahan ko naman siyang ginising.
"love, wake up na"sabi ko habang marahan na tinatapik ang braso niya.
"Hmmm, what time na?"tanong niya.
"10:37 pm na"sabi ko.
"Oh shi- sorry"di niya natuloy magmura dahil pinaningkitan ko ito ng mata"I forgot to book a hotel room"
"Dito kana matulog"sabi ko.
"Really?"
"Yup, keysa naman magdrive kapa gabi na....... Doon ka sa guest room matulog"
"Bawal ba sa room mo?"nagpapacute na tanong niya.
"Sige na nga"sabi ko. Wala eh talo ako sa charm niya hahaha.
Nakaupo ako ngayon dito sa kama. Tinetext ko kasi mga kapatid ko pati si papa kung kumusta na sila.
About naman kay mama hinayaan ko nalang,wala rin naman akong mapapala eh.
"what are you doing?"tanong niya pagpasok niya sa kwarto. Lumabas kasi siya para kumuha ng tubig.
"Kinakamusta kulang yung mga kapatid ko pati si Papa"sagot ko.
Humiga narin siya sa tabi ko. Tumayo naman ako para patayin yung ilaw at iniwang bukas ang lampshade.
Hinila naman niya ako palapit sa kanya, yakap yakap ang aking bewang.Siniksik din niya ang kanyang ulo sa aking leeg kaya naman nararamdaman ko ang pagdampi ng kanyang hininga sa aking balat.
"Sa tingin mo anong rason ni mama bat siya umalis"biglang tanong ko.
"I don't know, but I know she has a valid reason. I mean di naman siguro siya aalis ng basta basta especially that she loves you all"
"Kahit ano pa yung rason niya diba kami sapat na dahilan para iwanan niya kami"
Simula nung araw na umalis si mama yan ang laging tanong ng utak ko. Kung ang rason niya ay yung sa utang bat di niya agad sinabi,pwede naman naming bayaran ah.......pero pinili parin niyang umalis.
Naramdaman ko naman ang mainit na likidong dumadaloy sa aking mga mata.
Mukhang napansin niya ito kaya naman iniharap niya ako sa kanya.
"just let it out, I'm here"
at di ko na mapigilan pang mapahagulgol sa iyak.
Mabuti nalang nandyan siya ngayong kailangan ko ng masasandalan. Siguro minsan kailangan din talaga nating umiyak para mailabas lahat.
Umiyak lang ako sa bisig niya hanggang sa makatulugan ko na ito.
Kinabukasan ay nagising ako na wala siya sa tabi ko.
Baka nasa baba na.
Kaya naman agad akong bumaba pero wala din siya doon. Dumiretso ako ng kusina at may nakita akong pagkain na nakaluto sa mesa.
Napangiti naman ako dahil fried rice ito at egg,bacon,hotdog,and spam. May design pang paheart gamit ang catsup hahaha.
Napansin ko naman na may nakaipit na sulat sa ilalim ng plato kaya kinuha ko ito at binasa.
Hey love, Good morning......
I'm sorry if di ako nakapagpaalam, I don't have the guts na gisinggin ka.You're so cute kasi when you sleep hahaha, by the way I need to go back to Ilocos to finish some errands.Eat the food I cook, okay? And don't skip your meals,always take care of yourself. Wala ako lagi sa tabi mo so please don't hurt yourself. I love you love always remeber that.~your love, Sandro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang sabi mo huwag kong sasaktan ang sarili ko.Pero bakit ikaw mismo sinaktan mo ko.
