Chapter 2

912 37 7
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising at ginising nadin tong kasama ko. Kumain lang kami sa room dahil hinatid nalang ng mga staff ng resort ang pagkain namin. After non ay nag-ayos ayos na kami dahil nga may seminar kaming aatendan ngayon.

Habang naghihintay doon sa service namin ay umupo muna ako doon sa bench sa may gilid at pinagmasdan ang buong resort, di ko kasi nagawa kahapon dahil mas pinili kong magpahinga muna.

Simple lang itong resort,may mga bahay kubo na pwedeng rentahan at tatlong swimming pool dalawa sa pambata at isa sa mga adults.

May mga ilan ding stalls sa bandang dalampasigan at mga mauupuan.

Marami ring nagkalat na mga bulaklak at mga bonsei at mga coconut tree at  iba pang mga puno doon.

Napansin ko naman sa dikalayuan ang dalawang magkasintahan na magkahawak kamay na naglalakad sa may dalampasigan.

Napakasweet nilang tingnan,naaalala ko non ganyan din kami, pupunta sa may dalampasigan at hihintayin na lumubog ang araw.

Kamusta na kaya siya?

Kasal na ba sila?

Baka wala na talaga.

"Baka malunod ka niyan"sambit ng taong umupo sa tabi ko.

"Ha?"

"sabi ko baka malunod ka dahil sa lalim ng iniisip mo"paliwanag nito na nakangiti pa.

Gwapo si Sir Marco,maamo yung mukha,may dimple at disenteng tingnan kaya impossible na wala itong kasintahan.

"Baka naman matunaw ako niyan Maam" natatawang sabi nito sabay tingin sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"S-sorry"nauutal kong sabi at tumayo na dahil medyo nahiya ako sa inasal ko.

Paalis na sana ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya.

Bigla siyang tumayo sa harap ko at nagulat nalang ako ng alisin niya ang dahon na tumama pala sa ulo ko.

"Kung ano man yang problemang pinagdadaanan mo,malalampasan mo din yan,nandito lang ako para damayan ka"makikita sa kanyang mga mata ang sinseridad.

Mabuti nalang at narinig ko na  na tinatawag na kami ni Madam Cecillia kaya naman dali dali akong umalis doon at pumunta sa mga kasamahan ko.

"Nyare sayo te, bat namumula ka?"tanong ni Rita pagpasok ko sa van.

"Ah wala mainit lang kasi"palusot ko.

Mabuti nalang at sa kabilang van sumakay si Marco dahil hindi ko alam paano ko siya haharapin.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa convention hall na pagdadausan ng seminar.

Winelcome kami ng mga opisyales ng Ilocos Norte kasama si Gov. Matt, alam kong nakita niya ko dahil ngumiti siya akin kaya naman ngumiti din ako bilang tugon.

Buong araw din naganap ang seminar tungkol sa mga equality na dapat maranasan ng mga guro.

Napag usapan din ang ilan sa mga kaso ng inequality na naranasan ng iba pang kapwa namin guro at paano nila ito nalampasan.

Bilang isang guro napakahirap na trabaho ito, buong buhay mo ay kailangan mong mag-aral,kailangan mong isantabi ang mga problema mo bago ka humarap sa mga estudyante.

May mga panahon na nababastos ka sa kanilang ginagawa pero sa huli alam mong isa ka sa mga taong makakapagpabago sa kanila.

Dati tinannong ko ang sarili ko,bakit gusto kong maging isang guro kung pwede naman akong maging isang engineer, businesswoman, lawyer, doctor, pero ng nakita ko kung paano tinulungan ng dati naming guro ang kaklasi ko noon na dati basagulero pero ngayon isa na siyang tanyag na arkitekto.Nabago ang lahat.

Kaya tumatak sa isip ko na hindi lang kaalaman ang nais kong ibahagi sa mga bata kundi nais ko ring maging daan para maging isa silang kapakipakinabang na mamamayan na rerespetuhin ng lahat.

Alas singko na nag hapon ng natapos ang seminar kaya naman naghintay lang kami na dumating yung van sa labas, ang iba naming kasamahan ay nagtitingin tingin sa mga paninda sa gilid.

Sina Rita at Rody ay bumili naman ng empanada kaya naiwan ako dito sa may gilid,buti nalang at may upuan.

Mabilis kasi akong mangalay kaya naman kahit saang lugar gusto ko na lagi akong nakaupo,dati nga ay niregaluhan pa ako ng mga kaibigan ko ng fortable chair eh para kahit nasa daan daw ako ay makakaupo ako,pero syempre diko ginamit doon no,agaw eksena  hahaha.

"here,eat this"alok ni Marco sa sandwich na hawak niya.

"Ayos lang ako sir,di pa naman ako gutom."pagtanggi ko kasi nakarami ako ng prutas kanina sa loob kaya busog pa ako.

"just take this, please"pagmamakaawa niya wit matching pout pa yan ah,kaa naman di na ko umanggal pa"and huwag mo nakong tawagin Sir, Marco nalang, magkaedad naman tayo,24"nakangiting saad nito kaya napatingin  ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?"takhang tanong ko,eh name and school lang sinabi ko kahapon eh.

"A-ah hahaha I a-ask Rita a-about that"nauutal na sabi niya.

"okay"sabagay may sense

Umupo nalang din siya sa tabi ko habang kumakain. Kaya naman binuksan ko na ang wrapper nitong sandwich ng biglang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sophia!"

Loving YouWhere stories live. Discover now