Part 2- Chapter 48

258 14 1
                                    

Nandito na kami ngayon sa beach resort na tinutuluyan namin. Late na nga kaming nagising eh and paggising ko nakahiga na ako sa kama.

Kaya naman tinanong ko sila kung sinong nagdala sa akin and sabi ni Karen si Simon daw,nakatulugan ko daw kasi  kahapon.

Nagreready na nga sila dahil maglilibot pa daw kami ngayon.

Ako eto ready na at hinihintay nalang sila sa labas.Nakaupo ako ngayon dito sa hanging hammock chair na malapit sa pool.

Kinuha ko yung journal ko to write something.

Page 18

Hey Sandro

     Alam mo ba kahapon nakita ko yung Tita Irene mo sa Malacanang of the North sa Paoay and guess what? Ang ganda niya!!Grabe parang di pa siya nasa 60s dahil sa sobrang mukhang bata pa niya.

She even invite me to come to her photo exhibit next week. Sana di ako masyadong busy para makapunta ako don,malay ba anatin at baka nandoon ka diba hahaha. Oh and by the way na meet ko rin yung brother mo si Simon, ang gwapo din niya mahal,sobrang gentleman at bait niya. Tahimik nga lang pero masaya  siyang kasama.

Ikaw kailan kaya kita makikita at makakasama?

Love Sophia














Ang next destination namin ngayon ay ang Bangui, kung saan nakatayo ang nga windmills.

Ang taas grabe parang si Sandro lang.Di sa height ah hahahah.

Hapon talaga kami sumadya dito para di masyadong mainit. Picture picture lang kami doon at bumili ng ilang mga souveniers din tsaka tumikim sa mga kakanin na nakadisplay doon.

Nagkayayaan naman kaming magmall kaya eto,nandito kami sa botique shop para mamili ng mga dresses.

"Eto kaya,tingin niyo bagay?"tanong ni Rita sabay pakita sa amin sa  blue beige dress na hawak niya.

"Maganda naman pero mas bet ko tong yellow sayo"komento ni Clarence.

Ako naman nagtititingin lang. Marami na kasi akong dress kaya ayoko ng bumili.

"Pia try mo to"usal ni Karen sabay abot sa akin doon sa off shoulder na red dress below the knee.Kinuha ko naman ito at sinukat.Ma try lang hahaha.

Di naman siya ganon kahapit sa katawan at di rin gaanong revealing pwera nalang at kita talaga yung leeg at collarbone mo dahil nga sa off shoulder ito.

Pero over all ayos naman.Lumabas na ako sa fitting room at yung apat syempre kasama si Rody ay agad nakaabang.

"Ay bongga!bilhin mo yan!"komento ni Rody na sinang ayunan nila.

Kaya no choice ako kung di bilhin.
Kasasabi palang na di bibili eh huhuhu.

Dahil sa nilibot na ata nanamin ang kabuuan ng mall dahil lang sa paghahanap sa gustong sapatos nitong si Rody ay eto at nagutom kami.

Mabuti nalang at nakahanap kami ng resto na di masyadong crowded.

Nasa may counter ang dalawang boys habang kaming lima ay nakaupo na sa pwesto naghihintay nalang.

"Uyy ah nabalitaan ko na si Simon daw ang naghatid sayo sa kwarto"biglang usal ni Rody

"Syempre siya lang kasama ko kahapon ala nga namang iwan niya ko don no"

"Iba nayan ah,feeling ko may gusto sa yo yon"-Rita

"Tss impossible"saad ko

"Walang impossible no!"-Rody

"Wow ah,bat pag kay Sandro Impossible"asik ko

"Si Sandro naman yun eto si Simon,magkaiba sila no"-Clarence

"So mas bet niyo si Simon?"tanong ko at tumango naman sila.Mga sira ulo naman to.Wala naman silang pinagkaiba,parehong Marcos parin tsaka yung kuya yung gusto ko eh.......

"Huwag na kayong umasa,may ibang gusto yon"usal ko na ikinataka nila. Hahhahaha I know something you don't guys hahaha.

Ilang sandali lang ay dumating na din yung order namin.

"Baka makalimutan ko, Simon invited us sa bahay nila,dumating kasi yung bunso nilang kapatid and may konting salo-salo sila with their relatives"usal ni Steven habang kumakain kami.

"Ha? pati kami?"takhang tanong ni Rita.

"Yeah,nasabi kasi ni Simon na nagbabaksayon kayo dito so gusto nila kayong makilala and i-welcome"








"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa dito"nag-aalalang tanong ni Karen.

"Oo naman,sige na alis na kayo at baka malate pa kayo doon"pagtataboy ko sa kanya.

"Okay fine but tawagan mo ko pag may emergency ah,may mga staff naman sa labas,ibibilin kita kay Nana Mercy"saad niya. Si Nana Mercy yung pinakahead or nagmamanage sa resort.

"Oo na po"pag aasure ko kaya naman lumabas na ito sa kwarto. Wala rin naman siyang choice eh.

Bigla kasing nanghina itong katawan ko kaya di ako nakasama sa kanila.

Sayang lang dahil baka nandoon si Sandro.

Mukhang ayaw ng tadhana na magkita kami ah hahahaha.

Bat kasi ngayon pa eh,gets ko naman pero kahit ngayon lang sana makisama tong katawan ko.





Karen's POV

Kanina pa ko wala sa konsentrasyon dahil nag-aalala ako kay Sophia.

Tigas kasi ng ulo eh!imbes na magpahinga ay nakipaglaro pa sa mga bata kanina.Yan tuloy!

Alam ng mahina ang katawan niya tapos hayy kainis!

"Hon ayos ka lang,ayaw mo ba tong food?"bulong ni Steven sa akin ng mapansing diko ginagalaw ang pagkain ko.

"Ahmm hindi naman Hon, nag-aalala lang ako kay Pia"sagot ko.

Nandito na kasi kami ngayon sa Bahay nina Simon.

Halos nandito nadin ata yung buong angkan nila pero di ko pa nakikita itong si Sandro at Simon.

Lalo na si Simon,siya pa mandin ang nagimbita sa amin. Nakakahiya tuloy mabuti nalang at kilala nila itong boyfriend ko.

Sabagay welcome na welcome naman kami parang di kami others sa kanila.

Ilang sandali lang din ay dumating na itong si Simon bitbit ang anim na galon ng ice cream.Dami neto ah.

"Sorry guys di ko kayo naasikaso agad,may inutos kasi si Mom"usal niya paglapit sa amin.

"No worries bro,inasikaso naman kami ni Tita"sagot ni Steven.

Napansin ko naman ang pagpasada niya ng tingin sa aming lahat. Mukhang may hinahanap ah.

"Where's Sophia Isabel pala?"sabi na eh hahaha. Nahiya pa at di pa finull name.

"Nasa resort,medyo sumama ang pakiramdam kaya di makakapunta"sagot ko.

"Ahh ganun ba?sayang naman nandito si Sandro"he said.

Sakto naman na dumating sina Sandro at si Gov. Matt.Kilala ko nadin sila dahil nga nung minsan na nagdate kami ni Steven ay doon din sila kumain.

"Hey everyone!"bati ni Matt"ohh we have new faces here ah"pagtuturo niya sa amin.

Isa isa naman kaming nagpakilala sa kanila.

"Sayang wala si Pia"bulong ni Rita sa akin habang pareho kaming nakatingin kay Sandro na ngayon ay busy kakatingin sa cellphone niya.

Sayang talaga.

Loving YouWhere stories live. Discover now