Alay Lakad

42 2 0
                                    

Nag-stay na lang kami sa bahay maghapon. Nanuod kami ng 'Seven Last Words' at ibang palabas sa telebisyon, habang ka-text ko sina Jeoffrey at Gio.

Si Jeoffrey ay mag-aalay-lakad daw kasama ang mga kalugar niya. Sa kanya ko rin nalaman na mag-aalay-lakad din si Dindee. Napag-usapan din namin ang tungkol sa sign na hiningi ko sa Diyos kahapon. Natawa siya, tumawag daw kasi si Dindee dahil gusto akong makausap nina Lolo at Lola. Binisita niya sila kahapon.

A, wala na pala akong pag-asa sa kanya. Akala ko, sasabihin niyang miss na niya ako.

Si Gio naman ay nagyayayang mag-aalay-lakad. Wala raw siyang ka-bonding. Hindi ko naman pinagbigyan kasi tinatamad ako.

Nag-text din pala ang pinsan kong si Karrylle. Panay ang tanong tungkol sa amin ni Dindee. Sinayang ko raw si Dindee. Itinanggi ko naman ang paratang niya, saka humingi ako ng tulong sa kanya, na magkabalikan kami ng bestfriend niya. Oo raw, basta ilakad ko rin siya kay Jeoffrey.

"Bwist k! Kw n b ang mnllgaw s llaki?" sagot ko.

"Jowk lng! Sympre Hnde noh! NaintrigA lng aq s kwnto ni DindEe. Pogi dw."

"Bhla nga kaU!"

Na-miss ko rin sina Lolo at Lola, kaya sabi ko kay Karrylle na ikumusta at i-kiss na lang niya ako sa kanila.

"MgbkasyOn kn kc d2. Arte mo, Eh. Mgkno b pmashe?"

"Bkt, sagoT mo n?"

"Hndi! NgTTnong lng. Jeje!"

Maghapon din akong nag-browse ng Facebook ko at timeline ni Dindee. Pinagsawaan ko ang mga pictures niya, namin. Sobrang nakaka-miss siya. Naalala ko tuloy ang mga kulitan namin. Tinugtog ko tuloy ang 'I Miss You Like Crazy' ng Moffats. Nakakabaliw ang pagka-miss ko sa kanya.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon