Sine

20 2 0
                                    

"Gud day! Red, smhan mo nmn aq s national." Iyan ang text sa skin ni Riz, kaninang alas-diyes.

Alas-onse y medya ko na ito nabasa kasi naggitara ako sa labas habang nakikipagkuwentuhan kay Daddy, na busy naman sa pag-aalaga ng mga bonsai niya. Noon ko lang napansin na apat na pala ang bonsai niya.

Hindi ako mahilig sa bonsai, pero interesado akong malaman ang mga pangalan ng alaga niyang puno. Ang gaganda, e. Pampalawa nga raw niya ang mga iyon ng stress.

Pero, nang mabasa ko ang text ni Riz, na-stress ako. Siguro nga ay dapat na akong matutong mag-bonsai.

"Sori 4 d laTe repLy. BusY kC aq noW.." reply ko.

"BkiT? Khit snA mmyAng haPon.. NaistrEss kc aq. Gsto ko kAw ang pumilLi ng bOOk n bblhn q. Cgeh n, plz!?"

Ayaw ko rin naman siyang ma-stress, kaya pumayag na ako. Simpleng pakiusap lang naman, ipagkakait ko pa ba.

Alas-tres na kami nagkita.

Tuwang-tuwa siya nang makita ako. Halos gusto pa akong yakapin. Hindi naman niya iyon dating ginagawa. Ngayon ay naging PDA na siya at naging mas malambing sa akin.

Ayaw kong bigyan ito ng malisya. Ang lahat ng ito ay pawang kabutihang-loob lamang.

Antagal namin sa NBS. Hindi niya gusto ang karamihan ng mga pinili kong libro sa kanya, kahit bagay naman sa kanya ang istorya. Naisip ko nga, sinasadya niya lang para magtagal kami.

Pagkatapos naming makapili, nagyaya naman siyang magsine. Alam daw ng mga magulang niya na magdi-date kami, kaya gagabihin siya.

Natawa ako nang palihim. Bakit kailangan niyang sabihin iyon, samantalang hindi ko naman plano ito? Tsk tsk!

Masama na ang tama ni Riz sa akin. Napatunayan ko iyan nang nasa loob na kami ng sinehan. Kinuha niya kasi ang kamay ko. Nakipag-holding hands siya sa akin hanggang matapos ang palabas. May time pang idinidikit niya ang katawan niya sa katawan ko. Nakakatukso, pero nilabanan ko. Si Dindee pa rin ang iniisip ko.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon