Pinipindiho

31 2 0
                                    

"Mag-usap nga tayo, Bro!'' pabulong kung sabi kay Jeoffrey habang naghihintay kami ng performance. kagabi. Pinahalata ko sa kanya na galit ako.

Hindi agad siya sumunod sa akin palabas. "Tungkol saan?"

Kailangan ko pang huminto at luminga. "Tungkol kay Dindee!" Then, hinintay ko siya sa labas ng bar.

"Tungkol kay Dindee? Bakit? Musta kayo?" Naplastikan ako sa pagkasabi niya.

"Alam mo namang hindi kami okay... Ang sarap nga ng usapan ninyo kahapon, 'di ba?"

"Ah, 'yon ba? Wala 'yon! Huwag kang magselos. 'Di ba sinabi ko na naman sa'yo na~"

"Gusto kong maniwala na walang namumuong pagtitinginan sa inyo, Jeoff."

"Wala naman talaga, e!" Nag-alsa siya ng boses.

"Sige! Wala kung wala. Lord, patawad! Pinagbintangan kita. Pero, sana... lubayan mo siya. Nagseselos ako."

Natawa siya. "Hindi puwede. Kaibigan ko siya."

"Kaibigan? Kailan lang kayo nagkakilala. Ang close n'yo na agad. Ibang klase ka!" Tinalikuran ko na siya. Pumasok na ako sa bar. Ni wala na akong narinig mula sa kanya. Natamaan yata. Buwisit!

Kaninang umaga, nakatanggap na ako ng text mula kay Dindee. Imbes na ikatuwa ko dahil nagparamdam na siya, hindi ko naman puwedeng ikasiya. Ako pa ang lumabas na masama. Nagsumbong na ang gungggong na si Jeoffrey. Inaway akong lalo ng girlfriend ko. Sheet! Ang labo ng mga taong ito! Ako na nga ang pinipindiho, ako pa ang masama.

Mabuti na lang, holiday ngayon. Nagkuwento ako kay Mommy at Daddy. Nakapag-release ako ng sama ng loob. Ang payo ni Daddy, hayaan ko muna si Dindee. Marami pa naman daw babae sa mundo. Si Mommy naman, kakausapin niya raw uli.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Naka-text ko naman si Riz. Natuwa ako sa mga jejemon text messages niya, kaya reply ako nang reply. Naikuwento ko tuloy ang pinagdadaanan ko. Sabi naman niya, hindi naman masalimuot ang nangyari sa akin, kumpara sa pinagdaanan niya. Until now, hindi pa rin siya maka-move on. Salamat na lang daw at patuloy akong nakikipag-communicate sa kanya. Kahit paano ay nakakalimot siya, kahit sandali.

Sana nga, kami na lang.

Tama siya, andami kong pinalampas.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon