Relasyon

13 3 0
                                    

May nag-text sa akin. Sabi niya, "Good morning! Dis s Sharon. Kinakapatid mo. Pnhingi ko ang no. mo ky Papa. Musta k n, Red?"

Wala akong load kaya hindi ko siya na-reply-an. Ala-una na ako nag-load at nag-reply.

Sinagot ko lang ang tanong niya, pero hindi naman agad niya tinapos. Gusto niya talaga akong maka-text. More than that, she invited me to their house. Hindi ako ang-commit. Basta ang sabi ko, kapag may time.

Alas-nuwebe ng gabi, nasa MusicStram na ako. Gusto ko kasing makapag-perform nang mas maaga para makauwi nang maaga.

"Good evening, Sir!" masayang bati ko sa guard.

"Good evening din, Sir Red! Halos magkasunuran lang kayo ni Sir Jeoffrey."

Nagulat ako. Ang alam ko, wala siyang gig dahil hindi pa naililibing ang labi ng kanyang tiyuhin.

"Ah..." Nagmadali akong pumasok para makausap ko siya, pero wala siya sa roon. Naisip ko kaagad na nasa office siya ni Boss Rey at alam ko na kung bakit nando'n siya.

Kumatok ako sa pinto ng opisina. Narinig kong pinatuloy ako. Nagulat silang pareho nang makita ako, pero mas nagulat ako nang kumakain sila.

Business owner at drummer, nagsasalo? Walang masama kung iisipin, pero may kakaibang nangyayari.

Naging abala si Jeoffrey sa pagkain niya. Inalok niya naman ako, pero parang ayaw niya akong kausap. Okay lang naman kasi ang kailangan ko lang naman ay payagan akong magperform nang mas maaga. Pumayag naman ang boss ko.

Hanggang sa pagpikit ko, naiisip ko pa rin ang posibilidad na makabuo ng bawal na relasyon sina Boss Rey at Jeoffrey. Game ang kaibigan ko, kaya malamang maggagamitan sila. Tsk tsk!

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon