Traydor

20 3 0
                                    

"Putang ina! Hindi ka pala puwedeng pagkatiwalaan, Red!" galit na salubong sa akin ni Jeoffrey. Galing siya sa opisina ni Boss Rey. Ako naman ay kapapasok pa lang ng bar.

Siyempre, nagulat ako. Nagtinginan sa amin ang mga customer at crew ng bar. "Bakit? Ano'ng problema?" Medyo cool, pero napahiya ako.

Binangga niya ang balikat ko pagdaan niya. "Traydor ka!"

Sinundan ko siya sa labas. Hinintay niya ako roon. Gusto niya marahil na magkausap kami.

"Hindi ba nakiusap na ako sa 'yo na ilihim natin ang tungkol sa... Shit! Bakit sinabi mo?"

"Teka! Wala akong sinabi kay Dindee, lalo na kay Karryle?"

"Wala? E, paano niya nalaman? Puta! Alangang ako ang nagsabi!"

"Jeoff, maniwala ka, hindi ako nag-text sa kanila kagabi o kanina," paliwanag ko.

"Bakla ka, Red! Wala kang isang salita!" Nag-pwe pa siya bago pumasok sa bar.

Nag-stay siya sa office ni Boss, kaya hindi na uli kami nagkita bago at pagkatapos kong mag-perform.

Sinubukan kong magpaliwanag muli sa text, pero hindi siya nag-reply.

Bago ako natulog, inalala ko ang mga nangyari. Sumagi nga sa balintataw ko ang pag-text namin ni Dindee. Sabi pa nga niya sa akin ay hayaan ko na lang daw si Jeoffrey. Pero, hindi pa noon nangyari. Siguro nahulaan lang ni Dindee, kaya nagtanong o nagpag-usapan nila.

Kanina, tinawagan ko si Dindee. Wala naman daw problema. Hindi naman daw nabawasan ang respeto niya kay Jeoffrey. Ang problema nga lang ay kapag nalaman ni Karryle, kaya nagkasundo kaming hindi namin ipapaalam sa kanya.

Tinext ko si Jeoffrey pagkatapos naming mag-usap ni Dindee. Huwag na raw akong mag-explain dahil nawalan na siya ng tiwala sa akin. Hindi naman daw big deal na malaman ng dalawang babae ang nangyari sa kanya. Ang masama raw ay hindi ko nagawang ilihim.

Makitid ang isip niya. Hindi niya nakikita ang concern ko sa kanya. Akala niya ay sinisiraan ko siya.

Ang labo niya.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon