Reporter

15 3 0
                                    

"Uy, ang ganda ng kuha natin noong birthday ng Mommy mo!" bati sa akin ni Riz kakaupo pa lamang niya. Nauna kasi akong dumating sa first period namin.

Napatingin sa kanya si Fatima at ang mga close classmates namin. Tumango lang ako kasi nahiya ako. Parang sinasabi nina Fatima na lakasan pa namin. Hindi naman iyon napansin ni Riz. Kinausap ko na lang siya nang pabulong. Iniba ko pa nga ang usapan.

Nakikita kong mainit lagi ang dugo ni Fatima kay Riz. Kung ano man ang dahilan, bahala siya.

Nang dumating ang prof namin, tinawag agad ang reporter. Si Fatima pala, kaya pala mainit ang ulo.

"May naunawaan ka kay Fatima?" Iyan ang text sa akin ni Riz.

Wala akong load kaya, nag-type na lang ako sa cellphone ko. "Wala nga, e. Huwag kang maingay. Makikinig ako. Jeje," sagot ko.

"Tumigil ka. Hindi ka naman nakikinig. Tinitigigan mo lang siya."

"Hindi kaya."

Kung ano-ano pa ang napansin namin kay Fatima. Pati nga ang mga paulit-ulit niyang pagsalita ng 'alright' ay ginawa naming katatawanan. Binilang namin.

"May problema ka ba sa akin, Miss Riz?" nakataas ang noong tanong ni Fatima, nang matapos ang period.

Halatang nabigla si Riz, kaya napatingin sa akin-- nanghihingi ng saklolo.

"What's wrong, Fatima?" Ginawa kong mas sweet ang tanong ko.

Pero, galit pa rin si Fatima. "Tawa kayo nang tawa habang nagre-report ako. Nakakainsulto kaya!" pabulyaw niyang sagot.

"Hindi, ah... Natatawa kami sa nagte-text kay Riz. Gusto mong mabasa?" Hinihingi ko pa kay Riz ang cellphone niya, pero umismid na si Fatima at dali-daling lumayo sa amin.

Nagtinginan na lang kami ni Riz. Kinabahan siya.

"Wala 'yon!" sabi ko.

"Thanks, ha? Akala ko mapapawaay ako."

"Hindi ko papayagang mapahamak ka." Para akong nahipnotismo nang tiningnan at nginitian niya ako.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon