Asungot

17 2 0
                                    

Tinapos ko na kagabi ang ikatlo kong composition. Pinagpuyatan ko ito ng ilang gabi para lang mahabol ko sa unang araw ng July, ang aking birth month.


Siyempre, pupurihin ko ang sariling gawa ko... Maganda! Napaka. 


He he.


Pero, kailangang iparinig ko muna ito kay Riz. Ang mga magulang ko kasi ay parang hindi naman reliable ang verdict nila dahil ako nga ang pinakapoging lalaki sa mundo, para sa kanila. Hehe (ulit).


Kay Riz ko lang nais iparinig ang composition ko pero marami ang lumapit sa amin. Akala siguro nila ay hinaharana ko na si Riz. Nagpalakpakan pa sila. May nagpicture at may nagvideo sa amin. 


At since, nag-blush si Riz, tinotohanan ko na. Kinilig din yata ako kasi medyo pumiyok ako bago natapos ang kanta ko. Mabuti na nga lang at hindi halata dahil mas malakas ang gitara.


"Tama na, Red. Pinagtitinginan na tayo." Nakayuko na si Riz. 


"Sige. Nagustuhan mo ba?" tanong ko bago kami tumayo. Nakita kong nagpunas siya ng luha niya. 


"Naluha ako. Ano bang ibig sabihin nito. Halika na nga! Nakakahiya, o!" Nagtakip pa siya ng bibig.


Nagpalakpakan naman ang crowd pagtayo namin. Hindi ko lang alam kung dahil sa tinugtog ko o dahil sa paghila ni Riz sa kamay ko, palayo sa kanila. 


Panay ang hampas sa akin ni Riz pagdating sa room. "Kasi naman bakit ka pa nagdala ng gitara?" 


"Kasi kailangan. Para mas nakakakilig." sagot ko. Kinindatan ko pa siya. Nakatikim naman ako agad ng pinong kurot sa tagiliran.


Uwian. Hinabol kami ni Fatima. 


"Ang galing-galing naman ng crush ko! May talent ka pala. Naku! Iyan ang hinahanap ko sa isang lalaki. Sana nga haranahin niya ako one of these days." bati niya. Humawak pa kasi sa kamay ko. Tapos, kumalawit na sa aking braso. Hinila ako palayo kay Riz. 


Alam kong nalibadbaran si Riz sa maharot na kinilos ni Fatima. Nilingon ko kasi siya. Nakatayo pa rin pero nanliit ang mga mata. 


Ako na ang nag-sorry kay Riz. Hindi naman siya nag-reply sa text ko. 


Tsk tsk. Mapupurnada na naman ang diskarte ko dahil sa isang asungot...







BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon