Sing Trip

22 3 0
                                    

Enjoy na enjoy ang barkada ko sa night out namin kagabi. Astig daw ang performances ko.

Nakaubos kami ng dalawang bucket ng beer. Nakadalawang banda pa sila. Isa roon ang banda ni Jeoffrey.

Sinundan ako ni Jeoffrey sa comfort room. "Nagdala ka pa talaga ng barkada para ipamukha sa akin na masaya ka kahit wala ako. Hanep!"

Mas lasing pa yata siya sa akin e. Pero, ako, malinaw pa ang pag-iisip ko.

Sinagot ko siya. "Ikaw ang nagsabi niyan, Bro."

"Nagsumbong ka pa kay Dindee. Ano may nagawa ba?"

"Ano bang problema mo, Jeoff. Ang labo mo, e! Kaunting bagay pinalalaki mo. Magpakalalaki ka nga!"

Magbubukas pa lang ako ng zipper ng pantalon ko nang sunggaban niya ako't dakutin ang kuwelyo ko. Binuntal niya ako. Ang sakit ng panga ko.

Isang malakas na suntok naman ang dumapo sa kanyang ilong. At bago pa siya nakaganti, naawat na kami ng tatlong customer.

"Nakakahiya naman kayo. Pareho kayong performer dito, nagsusuntukan pa," sabi ng isang may edad ng lalaki. "Sige, ireport niyo 'yan sa may-ari." Utos niya sa dalawang may hawak sa amin, saka siya lumabas ng restroom.

Nakiusap ako sa dalawa na huwag na kaming isumbong. Pumayag naman ang dalawa, pero pinagbati na kami.

"Kiss. Kiss!" biro pa ng isa.

Napatawa tuloy kami ni Jeoffrey.

"Ikaw kasi, andami mong drama. Ayan tuloy, napadugo ko ang ilong mo."

"Oo nga, e. 'Di bale, sigurado akong basag din ang panga mo," biro din ni Jeoff habang pinapaampat niya ang dugo sa ilong.

Ako naman, naramdaman ko ang sakit sa panga ko.

Hindi na ako nagkuwento sa tatlo, baka gawin pa nila akong katuwaan. Lesson learned na lang.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon