Makamandag

19 2 0
                                    

"Asan ka?" Tinawagan ko si Riz. Nasa school na ako.


"Sa bahay." kaswal niyang sagot.


"O, bakit?"


"Tinatamad na akong pumasok.."


"Magpapatalo ka na lang ba? Riz, paano na lang a..." Gusto ko sanang sabihing 'ako' hindi ko na tinuloy. "Paano na lang ang pangarap mo?"


"Red... kausapin mo si Fatima. Kung gusto mo talaga akong pumasok, tulungan mo akong itigil niya ang pangugulo niya sa utak ko..."


Nangako akong gagawin ko iyon. Kaya pagkababa ko ng cellphone, pinag-isipan ko ang mga hakbangin ko. Mahirap mang pakalmahin si Fatima, handa akong sumugal para mapatigil siya. Mahina si Riz. Lalo pa siyang pinahihina ng kanyang karanasan.


Tinawanan lang ako ni Fatima nang mahinahon ko siyang pakiusapan na huwag na niyang pariringgan si Riz. 


"You know what I want.." Tumalikod na siya. Gumiwang-giwang ang kanyang balakang habang papalayo, tila inaakit ako.


Kung papatulan ko siya para ko na ring pinukpok ang ulo ng bato. Isa na namang problema ang kakaharapin ko. Paano ko pa niyan makukuha ang pagmamahal ni Riz?


Whoah! Ang hirap.. Ayokong maglaro. Ayokong makipaglaro kay Fatima. Isa siyang ahas na makamandag.


BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon