Miss na Miss

14 3 0
                                    

"Miss na miss na kita," sabi ko nang tinawagan ko si Dindee. Miss na miss niya na rin daw ako. "Kapag may pagkakataon, gusto ko uling umuwi d'yan para makasama ka."

Hindi siya nagsalita, pero naniniwala akong maligaya siya dahil nagkausap kami.

Napagkuwentuhan din namin ang pagkamatay ng tiyo ni Jeoffrey. Alam na raw niya. Tinawagan niya nga raw kahapon ang kaibigan namin. Then, nag-text pa kami. Ang mga plano naman namin sa college ang aming topic. Magna-nursing siya.

Ipinadama kong masaya ako sa desisyon niya. Naramdaman ko ring masaya siya sa choice niya. Ang tingin ko rin ay tanggap na niya na magkakalayo kami nang tuluyan at matagalan.

Nakakalungkot, pero wala na kaming magagawa. Wala na akong magagawa. Ang dapat ko na lang panghawakan ay ang pagmamahal niya. Habang patuloy niya akong minamahal, kahit magkalayo kami, patuloy ko rin siyang iibigin. Lalo ngang tumitibay ang pagmamahal ko sa kanya habang lumalaon.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon