LQ

32 3 0
                                    

Kahit natatawa ako kapag naalala ko si Jeoffrey, hindi pa rin ako makatakas sa bagabag na dala ng hindi namin pagkakaunawaan ni Dindee. Hindi ko yata kayang tanggapin na magkakahiwalay kami ng gano'n-gano'n lang. Kung si Riz man ang dahilan, kailangan ko siyang iwasan.

Ang kaso, text pa rin siya nang text. Kanina nga, nag-text na naman siya. Excited daw siya sa unang araw ng klase namin. Hindi lang ako masyadong nag-comment. Sabi ko, parang ayaw ko pang pumasok. Bitin ako sa bakasyon. Parang gusto kong umuwi sa Aklan.

Dahil nabanggit ko ang Aklan, tinanong niya kung kumusta kami ni Dindee. Hindi ko kaagad nasagot. Pero, matalino talaga si Riz. Alam niyang may LQ kami. Kahit tinanggi ko pa, hindi niya ako pinaniwalaan.

Hindi rin nagtagal, kinuwento ko na sa kanya. Sinabi kong mahal ko pa rin siya at nang tinanong niya ako kung ano ang dahilan, sinabi kong siya.

"Ako? Bakit?" May smileys pa ang text niya.

Nang hindi na ako nag-reply, tumawag siya.

"Natutuwa at natatawa ako," aniya.

"Bakit naman?"

"Ang haba kasi ng hair ko." Natawa kami pareho.

Pagkatapos ng biruan, napunta sa seryosong usapan. Huwag daw akong malulungkot kung magkahiwalay kami dahil sigurado siyang may nagmamahal sa akin nang totoo.

"Ang labo, Riz. Ako na lang lagi ang nagbibigay, umuunawa, at nanunuyo. Mali ba ako?"

"Hindi ka mali. Siya ang mali. Ang sarap mong magmahal, Red. Suwerte ang babaeng minamahal mo... Kaya lang, mali ang babaeng minahal mo.."

Hindi na ako nakaimik. Ilang segundong natahimik ang linya hanggang magpaalam na siya.

Tama naman siya. Bakit nga ba pinipilit kong mahalin ang hindi marunong umunawa?

Ang pag-ibig nga raw ay two-way. Ang nangyayari, isa lang ang nagmamahal. Ako.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon