Ma-Pride

24 3 0
                                    

Ma-pride talaga si Dindee. Ni hindi siya nag-text o nag-PM. Wala! Talo pa siya ng multo, dahil nagpaparamdam, pero siya, hindi.

Ayaw ko na ring manuyo. This time, magiging ma-pride na rin ako. Lagi na lang kasi ako ang nanunuyo. Nakakapagod.

Si Karryle ang nag-text. Nagtanong kung anong problema namin. Sinabi ko naman.

Hindi naman siya nangialam o kaya ay nag-suggest. Parang gusto niya lang pag-usapan namin si Jeoffrey. Nakita ko ang interes niya sa kaibigan ko kahit hindi niya sabihin. Ayaw ko lang ding mangialam sa kanila. Basta, sinagot kong lahat ang mga tanong niya.

"Red, may sinabi sa akin si Dindee," ani Mommy, pagkatapos kong salubungin siya ng kiss. Galing siya sa school.

"Nakita n'yo naman po ang mga ginawa namin sa Brigada. Pinagbibintangan si Riz. Mali naman po yata 'yon," paliwanang ko habang nagtatanggal ng sapatos ang aking ina.

"Suyuin mo na, 'Nak, para okay na kayo... Madali lang namang mapalambot 'yon."

"Nasasanay po siya. Kung narinig n'yo lang ang mga sinabi niya against Riz..." Tumigil ako, natapon kasi ang asukal na ititimpla ko sa kape. "Masasakit na salita, Mommy."

"Ganun talaga, Red. Intindihin mo na lang. Mahal na mahal ka kasi niya kaya feeling niya lahat ng babae na mapalapit sa kanya ay nilalandi ka."

Gusto kong matawa sa tinuran ni Mommy, pero naiinis ako dahil pati si Mommy ay nabulag niya. Siya pa ngayon ang kinakampihan.

"Ayaw kong suyuin siya, Mommy. Kung mahal na mahal niya nga ako, dapat malalim ang pang-unawa niya... Kape n'yo po."

"Salamat!"

Pumasok na ako sa kuwarto. Ayaw ko nang marinig ang mga sasabihin ni Mommy dahil baka mag-away rin kami.

Dapat ako naman ang suyuin niya ngayon. Kapag hindi siya nag-text o nag-chat, mas lalong hindi ko gagawin iyon. Kailangang maging ma-pride na rin ako, hindi dahil pogi ako, kundi dahil wala akong ginawang kasalanan sa kanya. Mahal na mahal ko siya.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon