Big Deal

16 3 0
                                    

Tinext ako kagabi ni Jeoffrey, kakatapos ko pa lang magpaalam sa kanya kagabi. Hindi ko siya ni-reply-an. 'Tapos kanina, pag-on ko ng cellphone ko, dalawang mensahe ang na-receive ko mula sa kanya.

"Musta, Bro? GcnG knb?"

"soRi nga pla kgbi. D ktA pnniwlaaN."

Ayaw ko sanang sagutin ang mga text niya, kaya lang naisip kong dapat para maunawaan niya ang sinasabi ko.

"nni2wlA k n B?" ang reply ko.

"MedyO."

"K."

"hehe.. raMdaM q nmn un. D nmn aq nttakOt. D n big deAl s akn ang gnyAn.."

Disappointed pa rin ako sa sagot niya. Gayunpaman, sinagot ko pa rin. "ibG sbhin, ppatol k?"

"bkIt hinDi?! Wala nmng mwwala skn.."

Na-check op ako. Hindi ko tuloy na-send ang message kong ito: "Mawwla saU ang resPeto mo sa sArili mo."

Hindi na rin siya nag-reply. Mabuti naman kasi nanuod ako ng laban nina Pacquiao at Mayweather. Tinutukan namin nina Daddy at Mommy. Nagpustahan kasi kami ni Daddy. Kay Floyd ako pumanig. Panalo tuloy ako ng P500.

Humirit naman si Mommy ng balato. Magpa-icecream daw ako. Okay, sabi ko. Lumabas ako at bumili.

Hapon, nag-ensayo ako ng tatlong kanta ni Manny Pacquiao. Alam kong magugustuhan ito ng mga customers ng MusicStram.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon