Brigada Eskuwela

21 3 0
                                    

Kagabi pa lang ay nag-text brigade na ako sa mga kaklase ko at nag-post ako sa FB wall ko ng tungkol sa Brigada Eskuwela.

Last year, ginawa ko na ito. Tumulong kaming magkakaklase sa school ni Mommy --sa paglilinis, pagsasaayos, pagkukumpuni, at pagpipintura.

Alas-siyete pa lang ay dumating na si Gio sa school. Nakadalo siya sa parada. Alas-otso naman nagsidatingan sina Nico at Rafael. Si Riz, sorpresang dumating. Hindi siya nag-commit sa Facebook invitation ko, pero dumating siya. Bandang alas-nuwebe na iyon. May dala pa siyang dust pan at walis tambo.

Bale walo kaming tumulong kay Mommy sa paglilinis sa kanyang classroom, kaya naman, isang araw lang ay areglado na ang silid-aralan niya. Very thankful siya sa amin lalo na sa akin dahil sa pag-initiate ko ng action.

Masaya ako dahil may mga kaibigan akong handang tumulong at sumuporta sa akin. Isang text ko lang o isang PM, ayos na.

Thankful din ang principal ng school dahil sa support ko.

Sa dalawang taon kong pagsali sa volunteerism na ito, this year lang ako nabigyan ng chance na mag-perform doon. Kanina kasi sa short program, na ginanap after ng parade, ay nagbigay ako ng tatlong magkakasunod na kanta. Nakakatuwa dahil nakatulong na ako, nakapagpasaya pa ako.

I always love to help!

After ng kapaguran, nag-treat si Mommy ng pagkain. Ang saya! Busog much. Sulit ang pagod.

Pag-uwi namin, nag-upload agad ako ng mga pictures na kuha sa Brigada.

"D k mn lng ngyyaya. Sna nktulong dn ako." PM 'yan sa akin ni Jeoffrey.

"Oo nga, no! Hindi ko siya naisip i-text. Nagpost ako sa FB," palusot kong sagot.

"Now lng ako uli ng-FB. Alam mo nmn, db?"

"Sorry."

"Sguro inisip mo na maa-out-pf-place ako dhil kasama mo ang mga kaklase mo."

Ang hirap magpaliwanag. "Hndi ah."

Mabuti na lang at hindi na nangulit.

Nag-thank you pa si Riz. Ako o kami ni Mommy dapat ang nagpasalamat sa kanya. Sabi niya, kahit paano raw ay nakatulong sa kanya para mabawasan ang stress niya. Gusto raw niyang laging may kasama. Naunawaan ko naman siya. Hindi pa naman siya talaga naka-recover nang tuluyan sa masalimuot niyang karanasan.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon