Karryle

20 3 0
                                    

Iniwasan ako ni Jeoffrey kagabi sa bar, pero hindi ko siya pinayagang dedmahin ako. Alam ko kasing may problema siya, kaya, pagkatapos kong mag-perform, hinintay kong makapag-perform ang banda niya.

"Ang sakit-sakit, Bro." Lumuha na naman si Jeoffrey pagkatapos niyang ikuwento sa akin ang nangyari.

Naunawaan ko na siya. Hindi nga lang ako nakapagsalita agad. Hindi ko akalaing siya ang gagalawin ni Boss Rey.

"Ano'ng plano mo?" Inakbayan ko siya.

Pinunasan niya muna ang luha niya. "Wala... Hindi ko alam."

"Si Boss, alam niya bang masama ang loob mo sa kanya?"

"Hindi. Ang alam niya, gusto ko ang ginagawa niya sa akin dahil masaya ako sa mga natatanggap ko sa kanya." Humikbi pa siya. "Shit! Kung alam ko lang na ganito... Lecheng buhay 'to!"

"Gusto mo bang umiwas? I mean, iiwas ka na ba?"

Tiningnan na niya ako sa wakas. "Ngayon pa ba ako aayaw? Red, ang hirap ng buhay... Kailangan kong gawin ito. Masakit at nakakadiri... at nakakahiya, pero kakapalan ko na ang mukha ko sa 'yo. Red, pakiusap... atin-atin na lang ito. Puwede ba?"

Nablangko ako, naalala ko kasing naikuwento ko na kay Dindee. Bahala na! "Puwede... Sige, pero... sana mag-iingat ka."

Hindi na siya kumibo. Nakipag-apir na lang siya sa akin bago kami naghiwalay.

Hindi agad ako dinalaw ng antok, kahit hatinggabi na ako nakauwi. Awang-awa ako kay Jeoffrey. Sa sobrang hirap ng buhay niya, nagawa niyang kumapit sa patalim.

Nag-text na naman si Karryle. Kinumusta niya si Jeoffrey. Hindi ako nagbigay ng ideya. Ang sabi ko, siya na lang ang i-text niya dahil wala akong balita.

Ewan ko lang kung gugustuhin niya pa siya si Jeoffrey kapag nalaman niya ang lahat. Ewan ko rin kung gugustuhin pa ni Jeoffrey na ligawan si Karryle gayong lalaki ang karelasyon niya. 

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon